Advertisers
TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananatiling walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang Abril 30, kasunod ng pakikipagpulong nito sa mga manufacturer noong Abril 6.
Sinabi ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, hindi kailangang mag-panic buying ang publiko dahil sapat ang suplay ng mga produkto sa mga susunod na linggo.
Saklaw ng kasunduan ang mga produktong may suggested retail price (SRP) tulad ng de-latang sardinas, gatas, tinapay, kape, instant noodles, bottled water, laundry soap, kandila, asin, de-latang karne, condiments, at toilet soap.
Patuloy umanong mino-monitor ng DTI ang mga pamilihan upang matiyak na may sapat na suplay at nananatiling abot-kaya ang presyo ng mga bilihin.