Advertisers

Advertisers

ILLEGAL GAMBLING, PRAYORIDAD NI BATANGAS PD COL. SALVADORA JR.

0 2,527

Advertisers

BALITANG KUTSERO o may katotohanan kaya ang nilalaman ng may 7-talata na pahayag ni Batangas PNP Acting Provincial Col. Meliton Salvadora Salvadora Jr. na siyang pumalit sa nasibak sa pwesto na si Col. Marlon Rufo.

Ayon sa nilalaman ng press release ng tanggapan ng Police Provincial Director (PPD) ay ang pagbuo ng isang pwersa ng pulisya na mas disiplinado, mabilis na pagtugon at pagtupad sa sinumpaang tungkulin na maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.

Batangas Acting Provincial Director Col. Meliton Salvadora Jr.

Sa pahayag ni Salvadora Jr. pangunahin ay ang pag-aatas sa lahat ng police unit na paigtingin ang operasyon laban sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad, partikular na ang ilegal na Droga: Tuloy-tuloy na pagbuwag sa mga network ng droga; ilegal na pagsusugal: pagpapatigil sa mga operasyong labag sa batas sa mga komunidad.

Kabilang din sa kanyang prayoridad ay ang mahigpit na pagsunod sa LOI, tamang bihis upang mapanatili ang integridad at propesyonalismo sa bawat unit sa lalawigan.

Layunin ng liderato, ay matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga Batangueño kundi maging ng mga turistang bumibista sa lalawigan ng Batangas.

Mga lamesa ng color games na kinahihibangan ng mga sugarol at drug addict simula sa bandang hapon hanggang madaking araw sa Brgy. Natunuan South, San Pascual, Batangas.

Tingnan natin kung ang matagal nang inirereklamong iligal na mga pasugalan sa Brgy. Natunuan South, sa bayan ni San Pascual, Batangas Mayor Roanna Conti ay magagawang ipalansag ni Salvadora Jr. kay Police Chief Major Raymon T. Dayagan.

Umabot na sa 150 ang mga ilegal na pasugalan na nag-ooperate sa iba’t ibang mga siyudad at bayan sa lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Natukoy ng ating mga KASIKRETA ang mga sumusunod:

Sa Tuy (bayan) at Calatagan (bayan) ang mga operator ay sina alyas Baby, Tony at Onad. Kilalang “Pergalan at Drug Queen” sa CALABARZON si alyas Baby, malakas daw itong maghatag ng lingguhang “padating” sa ilang PNP top officials; sa San Nicolas (Bayan) na ino-operate ni Neth; sa Balete (bayan) ang operator na si Norma; Lobo (bayan), Banay-Banay, Munting Pulo at Bulacnin sa Lipa City ang operator si Mundo; sa Alalum, San Pascual at Kayumanggi, Lipa City ni Charlie; Bauan Aplaya ni Mundo; Mabini (Bayan) ni alyas Tinay; sa Kaylaway, Nasugbu ni Maris; Tan-agan, Calatagan ni Janog; Buhay na Sapa, San Juan ni Michelle; Palahanan, San Juan ni Jovel at sa San Jose, Sto. Tomas, Brgy Bagong Pook, Rosario at Talisay ni Annie.

May 20 sakla na malakas ding salyahan ng droga (shabu, marijuana at ecstacy) sa Lipa City na ino-operate ng policewoman na alyas Sgt. Michelle, Aying at Figaro. Magkakasosyo din ang mga ito sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies operator sa Lipa City tulad ng kinatatakutang Lipa City Big 4.

STL bookies sa Tanauan City bookies nina alyas Lucido, Dimapilis, Lawin, Kon Burgos, Ms Elnice, Gerry, Ms Lilian at Anabelle; bookies sa Rosario nina alyas Meyor, Digo, Roceo at iba pa; bookies at illegal quarry sa Taysan nina Arnaez at Konsehal; bookies sa Ibaan ni Palma; bookies nina Janog at Baduy sa Malvar; bookies nina Wally at 10 iba sa Sto. Tomas City at bookies sa Bauan at Cuenca ni Allan at marami pa. May Karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144