Advertisers

Advertisers

All Star, All-Artista!

0 3

Advertisers

Maraming taga-showbiz na paboritong sport ang kina Michael Jordan at LeBron James.

Dahil sobrang hilig nila ay nagtatatag pa sila ng isang buong team.

Noong araw may FPJ All- Stars na pinangungunhan ni Ronnie Poe. May mga legit na mga commercial at collegiate na kabilang sa line-up. Kasali dito ang magkapatid na Diaz na mga kontrabida sa mga pelikula ni Da King.

Sina Romy at Paquito Diaz ay parehong produkto ng FEU bago lumabas sa pinalakang-tabing. Nakasama rin nila sa koponan si Jumbo Salvador, anak ni Lou Sr at miyembro rin ng Meralco Reddy Kilowatts. Pati ang ama ni Bong Hawkins ng Alaska Aces na si Rene ay kakampi rin nila. Naglaro rin dito sina Jimmy Santos na mula sa JRC. Ang iba pa ay sina Lou Salvador Jr, Andy Poe, Romeo Vasquez, Robert Arevalo, Jess Lapid Sr, Victor Bravo, Vic Vargas at Ding Salvador.

Muse nila si Amalia Fuentes sa mga exhibition at charity game.

Nang kasikatan ni Tirso Cruz IIII nagtatag din siya ng sariling basketball squad. Ilan sa mga kasapi ay sina Jay Ilagan , Christopher de Leon, Michael de Mesa, Mark Gil, Edgar Mortiz at Bembol Roco.

Ngayon ire ngang si Gerald Anderson ang may grupo na regular na dumarayo sa iba’t ibang lugar kasama ang mga contract artists ng Star Magic at iba pang taga ABSCBN tulad nina Vhong Navarro at Richard Gutierrez.

Tinagurian ang pangkat nilang Th3rd Floor na pangalan ng gym kung saan sila nag-eensayo.

Sa ikatlo ng Mayo magkakalaban ang Team Th3rd Floor at ang GMA-Sparkle squad sa SM MOA Arena.

***

Mas kapana-panabik ang NBA post season dahil sa idinagdag na play- in. Halos isa o dalawa lang kasi mga pagitan ng 7 hanggang ika-10 puwesto. Sa unang ataw ay overtime isang game at yung isa pa ay sa huling minuto lang nagkatalo. Oo extra period kinailangan ng Trail Blazers para talunin ang Suns. Mabuti umiskor si Steph Curry ng tres upang sa dulo ay daigin naman ang Clippers .

Bakasyon na sa Boracay si Kawhi Leonard.

Kaso sumunod na rin si Curry. Hehe.

***

Nakikiramay tayo sa,mga pamilya ng dalawang pumanaw na mga Olympian.

Dalawang cage hero ng kanilang panahon.

Isang Pinoy at isang Brazilian na mga hoopster ang tapos na magdribol dito sa lupa.

Si Ed Roque na kabilang sa 1960 Rome at 1964 Tokyo na mga Olimpiada ay binawian ng buhay sa edad na 88.

Isa si Roque noon sa mga bida ng Ysmael, Yco at Mariwasa sa MICAA. Ang six-footer na guwardiya na taga-Mandaluyong ay naging espesyal nating bisita sa OKS noong isang taon.

Si Oscar Schmidt namang Brazilian ay 5x Olympian at top scorer ng kanyang bansa.

Namatay siya sa edad na 68.