Higit P1.6m droga nasamsam sa Baguio City
Advertisers
Nasamsam ang mahigit P1.6 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot at naaresto ang dalawang drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region sa Benguet, Kalinga, at Baguio City noong Abril 20, 2026.
Kabilang sa pinakamalaking nakumpiska ang libu-libong tanim at pinatuyong marijuana sa Benguet na umabot sa tinatayang P1.6 milyon, na agad ding sinunog ng mga awtoridad.
Samantala, isang lalaki ang naaresto sa lalawigan ng Kalinga nang makumpiskahan ng shabu, habang isang babae naman ang nadakip sa Baguio City sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso. (Fidel Coloma)