Advertisers

Advertisers

JV Ejercito may panawagan kay Bato

0 6

Advertisers

UMAPELA si Senador JV Ejercito, chairman ng Ethics committee kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na isuko ang kanyang sahod at allowances sa gitna ng kanyang patuloy na pagli-ban sa Senado.

“Umaapela tayo kay Sen. Bato Dela Rosa na kusang-loob na hindi muna tumanggap ng sweldo at allowances niya sa Senado,” saad ni Ejercito sa isang pahayag.

“Gaya ng mga ordinaryong Pilipinong ‘no work no pay,’ lalo’t higit ganoon din dapat ang mga lingkod-bayan. Public service is a public trust, we are all accountable to the people we serve,” diin ni Ejercito.



Matatandaang hindi na nagpakita si dela Rosa sa publiko at hindi na rin sumipot sa sesyon ng Senado mula noong Nobyembre 2025, sa gitna ng mga pahayag na naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa war on drugs.

Muli rin iginiit ni Ejercito na walang umiiral na patakarang “no work, no pay” ang Senado, kaya’t kailangang amyendahan muna ang mga patakaran para matugunan ang pag-absent ng mga senador.



“As stated before, even by Senate President Sotto, the Senate has yet to establish rules that can compel attendance. Any formal action will take time, as it must go through amendments and proper deliberation,” wika ng senador.

Nauna nang sinabi ni Ejercito na maaaring maibasura ang ethics complaint na inihain laban kay dela Rosa kung agad din diringgin nang hindi naaamyendahan ang Senate rules. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">