Advertisers

Advertisers

2 minor kabilang sa 19 nasawi sa military ops sa Negros

0 3

Advertisers

BUKOD sa student leader ng University of the Philippines na si Alyssa Alano, local journalist na si RJ Nichole Lacson at Amerikanong si Lyle Prijoles, dalawang menor de edad pa ang kasamang nasawi sa madu-gong operasyon ng militar sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19.
Base sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), ang mga nasawi ay 16-anyos na dalagita at 17-anyos na binatilyo.
Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Undersecretary Joe Torre, “disturbing” ang “pattern” ng recruitment ng New People’s Army sa mga minor at foreign nationals na indikasyong wala na silang makuhang suporta mula sa lokalidad.
Ang recruitment at paggamit ng mga menor de edad sa armed conflict ay seryosong paglabag sa International Humanitarian Law, gayundin sa Republic Act No. 11188 o Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act.
Ang nasabing mga batas ay ay upang masiguro na maprotektahan ang pagsasamantala at exposure ng mga kabataan sa kaguluhan.
Iniimbestigahan narin ng Commission on Human Rights (CHR) ang tinatawag ng mga progresibong grupong na massacre ang naganap at hindi engkwentro.