Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Ayon sa komedyanang si Ai Ai delas Alas, crowning glory ng kanyang career ang pelikulang “Tanging Ina.”
Katunayan dahil sa pagiging successful nito ay nanganak pa ito ng maraming sequels.
Dito rin siya nakilala bilang “Comedy Queen.”
Ito rin daw iyong pagkakataon na nagkaroon siya ng matagumpay na concert sa isang venue kahit hindi siya marunong kumanta.
Gayunpaman, sa kabila ng tagumpay ay tila may jinx din daw na dala ito dahil nagkatotoo ang kuwento nito sa kanyang tunay na buhay.
Sa nasabing comedy film kasi ay tatlong beses na nabiyuda si AiAi.
Sa tunay na buhay naman daw ay tatlong beses din siyang nawalan ng asawa na lahat ay nauwi sa hiwalayan.
Ang kaibahan lang daw nito sa reel stories ay never pa siyang nabiyuda in real life.
Sa naturang panayam din sa vlog ni Toni Gonzaga, sinabi ni AiAi na napakarami na niyang pagsubok na pinagdaanan sa pag-ibig.
Likas daw kasi siyang matigas ang ulo at hindi nakikinig sa kanyang nakilalang ina at maging sa mga kaibigan.
Sa kabila naman ng dinanas, wala raw naman siyang pinagsisihan.
Marami rin daw siyang leksyon na natutunan although she learned it the hard way.
Hirit pa niya, isa raw sa biggest misconceptions sa kanya ng bashers niya ay hindi siya mabubuhay nang walang lalake.
Sa ngayon, nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na hindi na niya pinu-push na magkaroon ng lovelife bagamat bet pa rin niyang may makasama sa pag tanda kung darating o ibibigay sa kanya.
Prayoridad daw niya ang self love at mas bet na niyang laging feeling fresh kaya siya nagha-hyro kung saan nakatagpo siya ng gym mates.
Pakiramdam pa niya, pag daw nahihiwalay ang isang babae sa kanyang asawa ay gumaganda ito kaya ito ang goal niya sa kasalukuyan.