Advertisers

Advertisers

Ano na LeBron?

0 6

Advertisers

Eliminated na ang LA Lakers sa playoffs ng NBA kaya bakasyon na sina LeBron James at mga iba pang kakampi.

Tapos na sa season na ito kanyang kontrata sa purple and gold.

Himayin nating maigi ang sitwasyon.

May tatlong option si King James.

Una ay mag-renew ng kasunduan sa Lakers. Pangalawa ay lumipat sa ibang prangkisa. Pangatlo ay tuluyan ng magretiro sa NBA.

Nguni’t may ilang konsiderasyon din dapat isaalang-alang ang all-time best scorer ng liga. Ito ang suweldo niya na hindi dapat bababa sa huling tinanggap at package deal kailangan sina Bronny at ang paakyat na si Bryce.

Ayon kay GM Rob Pelinka ay nais naman nilang manatili si LBJ sa kanila. Yun lang nga kumplikado sa presyo at yung sa dalawang anak.

Paano kasi tali kamay ng LAL sa salary cap. Anong mangyayari kay Austin Reaves na max deal din gusto. Nandiyan din na expiring si Rui Hachimura. Need din nila ng 2 o 3 pang rotational players upang maging seryosong contender.

Eka ni Tata Selo ay malamang aabutin pa ng isa o dalawang buwan bago natin malaman ang bagong yugto ng buhay ni King James.

Kung si Pepeng Kirat ang tatanungin ay mas madali kay LBJ na pumayag sa mas mabababang sahod nguni’t kasama sina Bronny at Bryce. Maaari ring makabawi si James sa pagbigay ng rights ng kanyang mga game sa last year sa liga.

Kung sana pinapayagam pa ang playimg coach sa NBA. Kasi nga pag-circumvent ito ng salary cap. Noon napagkampeon pa ni Bill Russell ang Boston sa dual role.

Mahirap talaga ang lumipat pa ng city. Tapos mas maraming oportunidad kung mananatili sa Hollywood. Teka pwede pala sa Clippers kung saan hindi kailangan pang mangibang lungsod ng tirahan.

May sabi-sabi na welcome din siya sa Warriors at Cavaliers pero veteran minimum lamang.

Tapos walang kasiguruhan maging kakampi sina B1 at B2.

Tiyak kahit 42 na sa Disyembre ang asawa ni Savannah ay wala pa sa bokabularyo niya ang retirement.

Para kay Tata Selo ay best option kay LeBron ang LAL.

Bawas sahod nguni’t kasama niya ang 2 anak at walang lilipatang lugar kanyang pamilya. Wala na ring gaanong adjustment sa papel sa team.

Sa Oktubre 2026 ano mapapanood natin? Si LeBron James sa ika-9 na taon sa purple and gold o sa panibagong koponan.

***

Abangan si Elmer Lacknet Bedia, ang football icon, sa ating palatutunang OKS sa DWBL sa ika-25 ng buwang kasalukuyan. Alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon matutunghayan ang dating Mr Football pati sa Facebook at YouTube.

Kahit sa Australia na naninirahan ang mga Bedia ay nagtuturo pa rin siya ng game sa mga kabataan sa Pinas lalo na sa Barotac, Iloilo kung saan siya isinilang.

***

Tuloy na ang muling bakbakan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr sa ika 25 ng Setyembre ngayong taon. Napagkasunduan na pro fight na ang bout sa T-!Mobile Arena sa Las Vegas.

Pipilitin ng pambansang kamao na daigin ang wala pang talong Kano sa kanilang ikalawang pagtutuos para may ikatlo pa.

47 na ang ating pambato at 49 ang katunggali pero kaya pa nilang magsuntukan sa ibabaw ng ring. Mapapanood ang laban sa Netflix.