Advertisers
GOOD News muna.Nairaos din ang hosting ng KARATE One Youth League Manila 2026 na ini-host ng Pilipinas sa kumpas ng Philippine Karate Federation sa basbas ng World Karate Federation katuwang ang todo suporta ng Philippine Sports Commission., Department of Tourism, Philippine Olympic Committee at pangunahing corporate sponsors sa bansa at privadong sektor.
Lahat ng delegasyon mula sa higit 50 nasyon na lumahok sa prestihiyosong torneo ay pawang nakangiting umuwi sa kanilang bansa panalo man o talo.
Lalo na iyong mga bansang mula sa dating USSR na ngayon lang nila nakitang personal na ang Pilipinas pala ay bansang dapat na balik-balikan dahil sa hospitality ng Pinoy at progresibo pala contrary sa naririnig nilang negatibo tungkol sa Pilipinas.
Kundi dahil sa lakas- loob na hosting ng world karate event ay di nila masasaksihan ang liyag ng ating bansa kaya worth it kung gaano man ang nagasta sa pagiging punong- abala lalo’t mula sa third world na bansa tayo.
Hats off PKF Pres. Richard Lim at op kors kina Philippine Sports Commission Chairman Patrick ‘Pato Gregorio at Philippine Olympic Committee Cong. Abraham ‘Bambol Tolentino and kudos to Senator Pia Cayetano at Senator Bong Go.
Ang malaking pakinabang ng dambuhalang event ay ang Sports Tourism, pag-angat ng sport na karate at ang livelihood ng manpower ng naturang event kaya lahat ng konsernado ay hayahay.. MABUHAY!!
BAD news naman. Sumobra ang asal o exaggeration ng mga nakatokang volunteers sa action venue ng MoA Arena na di nila alam kung ano ang trabaho ng kumokober na media sa kaganapan.
First day pa lang ay may issue na kung saan pupuwesto ang local media pero ang sabi ng kolokoy na staff volunteer ay para lang sa international media ang nakalaang puwesto. Imagine, walang toka para sa local press na ikokober ang blow -by- blow ng naturang event. Nangako ang isang naka- assign na me ilalagay na table para sa local coverage.
Pero hanggang kahapon last day ay wala sila ginawa.
Ang siste pagpasok ng kokober na media ( writer hindi photographer) ay sinisita nila at sinasabing bawal ang pumasok sa aalog- alog na arena.
Kahit palabas na venue ay mamamahiya pa ang mga volunteer at sundalo sa miyembro ng media na nagtatrabaho lang. Sa madaling sabi MEMA ( me magawa)lang ang mga kinuhang bantay na mga nakadilaw sa venue na sobrang amo naman sa mga dayuhang di mo mabali ang leeg sa yabang nila na feel nila ay superyor sila sa Pinoy kahit dito sa atin ang kaganapan.
Masyadong yukod ang ulo sa dayuhan ng iba nating kababayan kahit dito o sa ibayo.
Lahat ng mga inihost natin na international event dito sa Pilipinas ay sobrang superyor ng mga dayuhan kesa host na Pinoy. ANGAT LANG KABAYAN!
Lowcut: Shoutout kay Enzo Gregana and co. ng PSC sa mahusay na koordinasyon niya sa media coverage at sa press center. ‘Til next international coverage. Pugay!