Advertisers
By ROMMEL PLACENTE
DUMATING sa bansa si Zhang Yingfei, na mas lalong kilala bilang si Linda Walker, na pangalan ng karakter niya sa Chinese vertical micro-drama series na “The Heiress Who Won With Brains,”
At dahil nga sa kasikatan nga Chinese actress,inimbitahan siya ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCII), to promote education for a better future.
Sa nasabing micro drama series, si Linda ay isang mahirap na estudyante sa Brookshire na nagpupursigi gamit ang kanyang katalinuhan. Kalaunan, matutuklasan na siya pala ay na-baby swap at tunay na anak ng isang maimpluwensiyang pamilya.
Kinagigiliwan siya ng mga Pinoy dahil sa kaniyang IQ na 180 at record-breaking score na 719 points sa isang mock exam sa series.
Sikat na sikat talaga ngayon si Zhang.Kaya naman pagdating niya sa NAIA ay pinagkaguluhan siya ng mga faney at media.
Sa pagbisita niya sa ‘Pinas, nag-courtesy call siya kay Manila Mayor Isko Moreno, at kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Personal ding bumisita si Linda Walker sa oldest public school sa Quezon City, ang Quezon City High School noong June 9, kasama si Education Secretary Sonny Angara.
Ka-join din nila sa naganap na outreach program sa Quezon City High School sina China Ambassador Jing Quan, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at FFCCCII officials led by President Victor Lim.
Nagkaroon din siya ng mediacon. Sinamahan siya ng translator niya na si Candice Tan.
At para sa kanyang mga faney,nagkaroon siya ng meet and greet na ginanap sa SM North Edsa Atrium. Isinabay na rin dito ang advance birthday celebration niya.
Ang mismong kaarawan niya ay sa June 30.
Marami rin siyang TV guestings. Napanood siya sa It’s Showtime at sa Unang Hirit. At nag-taping na siya para sa Kapuso Mo Jessica Soho.
Nakabalik na sa China si Linda Walker.