Advertisers

Advertisers

JED MADELA BIKTIMA NG ONLINE SCAM

0 4

Advertisers

By Dominic Rea

Kamakailan lang ay nakausap ko si Jed Madela. Naku. Medyo malaki rin ang na-denggoy ng online scammer sa kanya huh! May identification naman daw ang scammer at naniwala naman dito si Jed. Kaya naman pinatulan ni Jed ang pasabuy watch ng scammer dahil may natipohang watch yata si Jed. Nagoa-downpayment ang scammer at nagbigay naman daw si Jed. Nung araw na magmi-meet na sila para kunin na nga ni Jed ang kanyanf pinasabuy na watch, ayun na, waley na appearance ang kanyang kausap. Kaya payo ni Jed, mag-ingat sa ating mga nakakausap online who does scamming para lang magkapera at manloloko ng kapwa! Medyo traumatic raw itong naging experience ni Jed na kaya niya naikuwento dahil kailangan daw nating maging mapanuri pa at mag-ingat sa mga online scam lalo na sa teknolohiya ngayon. Hinayaan nalang daw ni Jed ang gumaw nito sa kanya at one day ay mahuhuli rin ito sa kanyang ginagawa! Yun na!



MB40 BOYS MAGKAKAROON NA NG DEBUT SINGLE

Trio kung tawagin ang binuong all male singing group na MB40 ni Jerick Dragido. Nabuo ang grupo sa pamamagitan ng pagse-set nila bilang regular host ng The New Music Box Powered By The Library. Nagkaroon ng konsepto si Jerick na may-ari ngayon ng Music Box at pinagsama ang husay sa pagkanta nina Rafael Llorente, Kurt Fajardo at Rdee Asadon at nabuo nga ang titulong MB40. Mahuhusay silang kumanta. May timbre ang kanilang boses at may kanya-kanyang recall! Parehong matataas ang birit at parehong facecard ang tatlo. Homegrown talent sila, sabihin na natin ng Music Box kung saan naging tahanan na nila for almost 2 years. May mga kanya-kanyang raket ang tatlo out of town habang pinaghahandaan nila ang kanilang debut single na may titulong TIGIL na soon ay atin ng mapapakinggan sa lahat ng digital music stores.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">