Advertisers

Advertisers

Ryan Bang ‘di na tuloy ang kasal kay Paola Huyong dahil sa magkaibang kultura

0 3

Advertisers

By Anne Venancio

Kinumpirma ng It’s Showtime host na si Ryan Bang ang tuluyang paghihiwalay nila ng kanyang dating fiancée na si Paola Huyong matapos ang halos dalawang taong relasyon at isang taong engagement.

Sa panayam kay Vice Ganda sa YouTube vlog na Mga Naka-Naka Kong Broken, Nagsalita Na! na inilabas noong June 6, 2026, sinabi ni Ryan na ang pangunahing dahilan ng breakup ay ang pagkakaiba ng pananaw sa values, kultura, at konsepto ng kasal.

Ayon kay Ryan, sinubukan nilang ayusin ang relasyon ngunit hindi na ito nag-work sa kabila ng kanilang pagsisikap. Nilinaw din niya na walang kinalaman ang third party sa kanilang paghihiwalay at nanatili siyang tapat sa buong relasyon.

Inamin ng TV host na mabigat ang naging pinagdadaanan niya dahil umasa na rin ang kanilang mga pamilya na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon. Aniya, ito ang isa sa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay.

Matatandaang naging publiko ang relasyon nina Ryan at Paola noong 2023 at nauwi sa engagement noong 2024, bago tuluyang naghiwalay ngayong 2026.

Samantala, ibinahagi rin ni Vice na sinuportahan niya si Ryan sa gitna ng pinagdaanan nito sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-check at pag-alalay sa kanya.

Ayon naman kay Ryan, malaking tulong ang pagpapanatili ng kanyang routine gaya ng pagpasok sa trabaho at pagtakbo upang makabangon mula sa breakup.