Advertisers

Advertisers

P1M shabu nakuha sa pasahero sa Port of Batangas

0 15

Advertisers

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Seaport Interdiction Unit ng Batangas katuwang ang Philippine Ports Authority-Port Police Department, PNP Batangas Maritime Police Statioe at Phillipine Coast Guard K9 Team ang tinatayang 1 Milyon Piso ng shabu sa isang pasahero ng barko sa isinagawang interdiction operation sa Zone 1 Passenger Terminal ng Batangas Port sa Batangas City kahapon araw ng Miyerkules June 17, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas na si “Briant”, 39 anyos at residente ng Roxas, Oriental Mindoro.
Base sa report ng mga awtoridad naharang at nadiskubre ang dalang iligal na droga ng suspek na may timbang na 150 gramo at nagkakahalaga ng P1,020,000.00., isang cellphone at drivers license identification card habang papasakay ito ng barko patungo sa Calapan Oriental, Mindoro.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs ) at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Koi Laura)