Advertisers

Advertisers

Ellen Adarna may prangkang inamin kay Melai Cantiveros tungkol sa kanyang ex

0 6

Advertisers

By Anne Venancio

Matapos ang maikling pahinga, muling umere ang Bisayang talk show ni Melai Cantiveros-Francisco na “Kuan on One” bitbit ang mas kwelang usapan at mas personal na kwento ng mga bisita.

Special guest ang aktres na si Ellen Adarna, na bukas na ibinahagi ang mga karanasan niya tungkol sa pag-ibig, pamilya, at relasyon.

Kilala si Ellen sa kanyang pagiging prangka at natural sa harap ng kamera, kaya hindi rin naging boring ang kanyang pag-upo sa “Dakong Problema” segment na tinawag na “Ellen Asks,” kung saan siya mismo ang nagtanong sa iba’t ibang sitwasyon. Kasama niya si Melai, na nagbigay ng sariling comedic twist sa segment na tinawag nilang “Els and Mels Ask.”

Agad na nagpasiklab si Ellen nang tanungin ang isang ex na magkaayos pa sila hanggang ngayon. “Nakatulog ka na ba?” pabirong tanong niya na ikinatawa ng studio audience.

Hindi rin nagpahuli si Melai nang baliktarin ang sitwasyon at tanungin tungkol sa taong sumira ng tiwala niya. “Nakarma ka na ngayon?” ang diretsong tanong niya, sabay taas-kilay na ikinatawa rin ng lahat. Sa halip na sentimental, pabirong sagot niya: “Why are you still here?” na sinang-ayunan pa ni Melai.

May bahagi rin na pinagtawanan ng audience nang tanungin si Melai kung ano ang sasabihin niya sa sarili niya. Sagot niya: “Maganda ka?” sabay dagdag na “Wag ka nang sumagot.”

Sa huli, naging mas personal at reflective ang usapan nang tanungin si Ellen kung ano ang gusto niyang itanong sa mga taong nagbigay sa kanya ng matinding aral sa pag-ibig. Simple pero mabigat ang sagot niya: “Anong nasa isip mo nung time na ’yon?”

Tinapos naman ni Ellen ang segment sa mas introspective na moment, sabay kanta ng linyang “I wonder how, I wonder why…” bago sinabing, “How, Lord, how? Paano ko lalagpasan ’to?”