Advertisers

Advertisers

JERRY YAN NA-STARSTRUCK KAY ELLEN ADARNA, 10 SEGUNDO NAGKATITIGAN

0 2

Advertisers

By Beth Gelena

Hindi pinalampas ni Ellen Adarna ang gabi ng F4 concert na ginanap sa Philippine Arena, kamakailan.

Avid fan ng F4 ang aktres, kaya halos Hindi siya magkamayaw dahil sa dami ng mga babaeng magaganda na katabi ni Ellen ay siya ang napili ni Jerry Yan na lapitan na ikinatili ng nasa audience.

Ayon sa mga ibinahaging video at kuwento pagkatapos ng F4 concert sa Philippine Arena, lumapit si Jerry Yan kay Ellen Adarna habang nasa audience.

Nagkaroon sila ng maikling interaksiyon kung saan nagkatinginan sila, hinawakan ni Jerry ang kamay ni Ellen, at binati siya.

Maraming fans ang natuwa sa eksena dahil kilalang fan ng F4 si Ellen.

Si Jerry mismo ang lumapit sa kinaroroonan ni Ellen sa audience bago nagpatuloy ang programa.

Unang nagkomento si Cathy Gonzaga na walang nasabi kundi, ayyyy with crying emojis.

Fan din kasi si Aex ng F4 kaya lang Hindi siya pwedeng manood dahil sa kanyang kalagayan (buntis).

Sey naman ng isang commenter na nasaksihan ang interaksiyon nina Jerry at Ellen: “eto na 10 seconds eye to eye nyo ni Jerry Yan! !! With hawak kamay!!!”

Makikita sa mga video ang emosyon at saya ni Ellen bilang isang matagal nang tagahanga ng F4.

Hindi ito ikinagulat ng kanyang mga fans dahil kilala si Ellen bilang isang die-hard F4 fan.

Noong 2025, nag-viral pa siya matapos mag-lip-sync sa kantang “Jue Bu Neng Shi Qu Ni,” at nagkomento pa noon ang kapwa miyembro ng F4 na si Ken Chu sa kanyang post.

Ang concert na “F Forever” ay reunion concert ng apat na miyembro ng F4—Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu, at Vanness Wu—na sumikat dahil sa TV series na Meteor Garden.

Para kay Ellen, ang simpleng pagkakahawak ng kamay at pagkakatitigan nila ni Jerry Yan ay naging isang hindi malilimutang karanasan at tila katuparan ng kanyang matagal nang paghanga sa F4.

Komento naman ng iba: “baka kayo sa sa’t isa ikaw si shancai o baby baby kilig much”

“Sabi ko na manonood ka Inday. Baka kayo talaga ni Jerry maa push”
“Agree, ” sagot naman ng Bisayan aktres.
“Oh my God. Sabi niya”
Nagkomento si Ruffa Mae Quinto: “medyo napa todo ang ngiti mo dito”
“Na-starstruck si Jerry kay EA ang ganda kasi”
“He said OMG. Sana all napa OMG si Jerry sa ganda mo Ellen”
“Atecoooo mesmerized si Jerry yan sa yo”
“Parang natulala pa sa u c Jerry madam”
Sandamakmak ang nagkomento sa Instagram ni Ellen na lahat ay napa sanaol.