Advertisers
MALUGOD na binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos nitong makapasok sa ikatlong round ng Wimbledon, na aniya’y patunay na isa na itong world-class na atleta at inspirasyon sa kabataang Pilipino.
Ayon sa Punong Ehekutibo, marami pang maipapakita si Eala sa mundo ng tennis at ipinagmalaki niyang patuloy itong nagbibi-gay ng karangalan sa bansa.
Hinikayat din ni Marcos ang publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta kay Eala, kasabay ng mensaheng buong sambayanang Pilipino ang nakaalalay sa kanyang laban para sa Pilipinas.
“She really is becoming a true inspiration especially for younger people, younger Filipinos. Biruin mo mayroon na tayong player, babae pa na nanalo sa third round in Wimbledon. It does not get…Tennis does not operate at a higher level than Wimbledon so she’s really world-class.She’s terrific,” wika ng Pangulo.
Dagdag pa ng Presidente, “I caught the last set kaninang umaga. And it was…It was a great result.”