Advertisers
SALUDO sa pagbandera ni Tennis superstar ALEXANDRA ‘ALEX” EALA sa Pilipinas saksi ang huge crowd sa Center Court ng WIMBLEDON kung saan standing ovation ang scenario, isang makasaysayang araw sa Sports record ng bansa.
Pinataob ni ALEX si defending champion IGA SWIATEK sa kabila ng hirap at dramatic determination niya sa pagsubsob/pag-slide sa bahagi ng laban. Highly applauded ang panalo niya kay SWIATEK sa round of 16.
Siya ang first ever Filipino na umabot sa 4th round ng isang Grandslam Tournament at nakapagpasikat sa larong Tennis na di humahatak ng atensyon dati. Maraming laban na dati ay nakatanggap pa ng bashing pag may talo, pero tuloy ang suporta ng sambayanan hanggang maisalansan ang panalo.
Trending sa world stage ang Pinay pride performance na ito sa 2026 Wimbledon tournament kung saan tumaas lalo ang prize award ni ALEX sa Php24.3 M, mula sa Php8.7M sa 2025 US Open. From World # 1190, World #28 na ang rank ni ALEX. Malayo pa nga ang tatakbuhin para sa pinakatuktok ng championship, pero Hindi basta athlete, nararating ang ganito at lumalaban with all effort and determination
So, it’s not surprising na pati ang Wimbledon mismo ay may posts sa Tagalog, katunayan ng pagbandera ng Pinas sa world stage. Sa posts na pwedeng backed up ng ilang Pinoy abroad, ‘trending ang “Isang araw na Hindi nawawala sa kasaysayan. Buo ang suporta ng Pilipinas sa iyo, ALEX EALA. ” at ” Sino ang Hindi mabibighani sa performance na yan ni ALEX?”
As per record, 4 y/o lang nagstart si ALEX sa tennis, dumaan sa maraming praktis at laban na .as lumalago ang determinasyon habang pataas ang level ng tournament lalo na sa pagtuntong sa teen years. At age 21 ngayon, nasa top 4 Philippine pride si ALEX sa Sports history ng bansa,.kasama nina CARLOS EDRIEL YULO, first ever twin gold awardee sa Paris Olympics at HIDILYN DIAZ Pinay golden girl sa Weightlifting sa pangunguna ni World 8 Division Boxing Champion MANNY ‘Pacman’ PACQUIAO.
Salamat po sa lahat ng sponsors sa bawat Sports field, at followers.Saludo sa lahat ng Atletang Pinoy! Let’s keep praying for more success mga Kaisport!
***
ALEXSANDRA DIAZ, NAGBULSA NG 3 GOLD SA WEIGHTLIFTING
SPEAKING of Weightlifting gold medalist HIDILYN DIAZ, pamangkin po niya ang young Filipino Weightlifter na si ALEXANDRA ANN DIAZ (another athlete ALEX for Pinoy pride), wagi ng 3 gold sa2026 IWF World Youth Weightlifting Championships sa Cali, Colombia, 48kg Division.
Bitbit niya ang gold awards sa Snatch (77kg), Clean & Jerk (98kg) at total.lift(175 kg). Sa panalong Clean & Jerk at Total..pasok na siya sa IWF World Youth records bilang isa sa biggest stars. Abangan! CONGRATS! HAPPY READING!