Advertisers

Advertisers

Ilang minority senators ‘di dumalo sa ika-5 SONA ni PBBM

0 2

Advertisers

HINDI dumalo ang ilang minority senators sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Lunes, Hulyo 27 sa Kamara.

Ayon kay presidential sister Senator Imee Marcos, hindi na siya dumalo sa SONA ng kanyang kapatid dahil masama ang kanilang loob matapos na ipakulong at kasuhan ang ilang myembro ng minority.

Kung matatandaan, nakakulong at nahaharap ngayon sa kasong plunder sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta habang nagtatago at nahaharap naman sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) si Senator Bato dela Rosa.



Sinabi pa ni Sen. Imee na bukod sa kanya, hindi rin dumalo sa SONA ng Pangulo sina Senator Loren Legarda, Senate Minority Alan Peter Cayetano, at Senator Robinhood Padilla.

Kinumpirma rin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi rin siya dumalo sa SONA ni PBBM bilang pagpapakita niya ng protesta sa pamahalaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">