Advertisers

Advertisers

‘STRATEGIC PARTNERSHIP’ NG VELZA GLOBAL AT TONINO LAMBORGHINI LALUNG MAGPAPALAKAS SA PILIPINAS

0 26

Advertisers

Ang Velza Global, isang nangungunang kumpanya ng FMCG at Lifestyle, at ang Tonino Lamborghini, ang iconic na Italian Lifestyle brand, ay opisyal na nag-anunsyo ng isang strategic partnership upang ilunsad ang Tonino Lamborghini Rosso Caffe na eksklusibo sa merkado ng Pilipinas.

Ang bagong kasunduan ang lalung magpapalakas ng alyansa ng Velza Global at Tonino Lamborghini mula sa una nilang pagsasanib para sa Tonino Lamborghini Energy Drinks sa Pilipinas at India nang sa gayon ay hindi lamang energy drink ang matikman sa Pilipinas kundi maging ang premium Italian coffee.

Batay sa inilabas na pahayag nitong Agosto 4, 2026, layunin ng proyekto na ipakilala sa mga Pilipino ang isang kakaibang coffee experience na pinagsasama ang authentic Italian coffee culture, modernong disenyo, at premium lifestyle.

“With TL Rosso Caffè, we bring to the Philippines a new expression of Italian lifestyle: bold, refined and deeply connected to the culture of authentic espresso. This project is not simply about coffee; it is about creating a destination where Italian taste, design and attitude come together in a distinctive experience Southeast Asia has always shared a special connection with my brand,” pahayag ni Tonino Lamborghini, Founder at Pangulo ng Tonino Lamborghini S.p.A…

Samantala, sinabi ni Ajit Narapareddy, CEO ng Velza Global Group, na nais nilang dalhin sa Pilipinas ang kabuuang eco-culture ng Tonino Lamborghini.

Ayon sa kompanya, ang Tonino Lamborghini Rosso Caffé ay idinisenyo para sa mga consumer na naghahanap ng higit pa sa tradisyunal na coffee experience, sa pamamagitan ng pagsasama ng minimalist luxury design, world-class hospitality, at premium coffee culture.

Target ng Velza Global na buksan ang unang Tonino Lamborghini Rosso Caffé sa Pilipinas bago matapos ang Disyembre 2026, kasabay ng planong magtayo ng 10 sangay sa loob ng susunod na tatlong taon. (JOJO SADIWA)