Advertisers
IPINAUUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon na may kaugnayan kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay sa flood control anomaly.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya direktang nakikialam sa detalye ng imbestigasyon ng Ombudsman.
Dagdag pa nito, nasa Ombudsman na ang usapin at dapat itong hayaan na isagawa ang imbestigasyon nito.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na tatawag siya sa Ombudsman upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon at estado ng kaso para na rin sa kanyang sariling kaalaman.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya pamilyar sa mga detalye ng imbestigasyon.
Una nang binanggit ng Pangulo sa kaniyang SONA na sasampahan na ng kaso ng Ombudsman ang kaniyang pinsan na si dating Speaker Martin Romuladez.
Inihayag naman ni dating speaker Romualdez na nakahanda siyang harapin ang nasabing kaso. (Vanz Fernandez)