Advertisers

Advertisers

Wala nang ‘leadership fund’ sa 2027 budget – Malacañang

0 6

Advertisers

NILINAW ng Malacañang na walang nakalaang “leadership fund” para sa mga mambabatas sa panukalang 2027 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Una nang iginiit ng DPWH na ang pagpili ng mga proyekto ay dapat nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mga lokal at regional government, at hindi sa rekomendasyon lamang ng isang indibidwal.

Bago maisama sa budget, kinakailangang kumpleto ang mga dokumento at makumpleto ang iba pang kaukulang requirements, kabilang ang clearance mula sa mga development council kung kinakailangan.



Samantala, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi naman awtomatikong masama ang mga proyektong inirerekomenda ng mga opisyal, basta’t malinaw na may pakinabang ito sa publiko at walang kasamang kickback o anomalya.

Giit ng Palasyo, mas pinaigting na ngayon ang pagsusuri ng administrasyon, DPWH at Department of Budget and Management (DBM) upang matiyak na ang pondo ng bayan ay mapupunta sa mga proyektong tunay na kinakailangan.



Layunin nitong maiwasan ang pag-uulit ng mga iregularidad at pang-aabuso sa infrastructure projects na lumitaw sa mga nakaraang taon, kabilang ang mga kontrobersiyang naitala noong 2018. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">