Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
May bagong beauty pageant na in-introduce para sa mga kontesera.
Ito ang Queen of the Islands Philippines na itinatag ng isang kilalang pulitiko at businessman.
Bongga rin ang prizes nito kaya naman maraming contestants ang sumali.
Ilan sa contestants nito ay mga dati nang beauty queens at mga artista.
Kabilang sa mga magbabardagulan sa nasabing competition ay sina Michelle Dee, Sanya Lopez, Herlene Budol, AZ Martinez at Faith da Silva.
Join din sa pageant sina Gazini Ganados, MJ Lastimosa, Ahtisa Manalo.
Nasa roster din sina Jade Tecson, Vanessa Peña, Yanna Aduana, Yza Thalia Uy, Sandy Riccio, Skye Chua at iba pa.
Dahil ganito ka-star studded ang nabanggit na beaucon, inaasahan ang kabugan ng mga dati nang beauty titlists at Kapuso artists.
Inaasahan ding magkabugan sila hindi lang sa Q and A kundi sa swimsuit at gown competitions.
***
MTRCB, binigyan ng PG, R-13 rating ang mga tampok na sine ngayong linggo
BINIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Parental Guidance at R-13 na rating ang walong pelikula at isang live viewing ng concert ng isang South Korean boy band sa Estados Unidos na ipapalabas ngayong linggo.
Kumpiyansa si MTRCB Chair at CEO Lala Sotto na maeengganyo ang mga manonood na dumagsa sa sinehan, habang pinaalalahan niya ang mga magulang na bantayan ang viewing habit ng kanilang mga anak.
“Karamihan sa mga tampok na palabas sa mga sinehan ay may PG at R-13 rating. Ibig sabihin, mas maraming batang makakapanood bastat may patnubay ng kanilang mga magulang,” paliwanag niya.
“Nais naming ipaalala sa mga magulang na tingnan muna ang mga classification ng MTRCB sa mga pelikulang ito nang sila ay makasiguro na angkop ang panonoorin ng kanilang mga anak sa edad at antas ng pag-intindi,” dagdag pa ni Sotto.
Ang “The End of Oak Street,” isang science fiction na pinagbibidahan nina Anne Hathaway at Ewan McGregor, ay binigyan ng PG rating.
Pinayuhan ng MTRCB ang mga magulang na ang pelikulang ito ay maaaring hindi angkop sa mga edad 7 at pababa dahat sa mga eksenang “intense violence, frightening situations, bloody images and gore arising from dinosaur-related survival encounters.”
Sabi ng Ahensiya, ang “elements of action, peril, frightening scenes and some bloody images” ay malinaw na nasa “clearly fictional, fantasy-adventure setting and are not gratuitous or excessively prolonged.”
“The film’s dominant treatment remains family-oriented, emphasizing survival, courage, unity and the importance of staying together in the face of danger,” sabi ng MTRCB.
Ang “Blue Lock,” isang live action adaptation ng isang Japanese soccer manga, ay rated PG. Ito ay may competitive sports themes, mild sports-related violence, emotional conflict, at magaspang na pananalita na kailangan ng patnubay ng magulang.Eksklusibo itong mapapanood sa SM Cinemas.
Ang “Dear You,” isang Chinese drama at isa pang SM Cinemas exclusive, ay rated R-13. Bagamat ito’y tigib ng pagmamahal, may pagmumura sa pelikula kayat kailangan ang gabay ng magulang para sa mga edad 13 at pababa.
Tampok naman sa horror na “The Devil Beneath” sina Dan Ewing, Tim Pocock at Jessica Green. Ito’y rated R-13 dahil sa “brief and infrequent depiction of horror and frightening scenes.” Mapapanood ito sa Megaworld Cinemas.
Ang “Sacrifice,” isang action-adventure comedy na pinagbibidahan nina Chris Evans, Salma Hayek at Anya Taylor-Joy, ay rated R-13 dahil sa “mild action violence, shootings, stabbings and bloody injuries.”
Sabi ng MTRCB, maaaring hindi angkop sa mga edad 13 at pababa ang “sustained suspense, disturbing ritualistic imagery, frequent use of strong swear words, coarse language and other mature themes.”
Ang “Just Javier,” isang Spanish documentary tungkol kay Javier Sartorius Milans del Bosch. isang misyonaryong iniwan ang buhay aristokratiko, ay rated PG. Eksklusibo ito sa Ayala Malls Cinemas.
“While said film does not contain graphic violence, sexual activity, nudity, drug use or offensive language and is suitable for viewers of all ages, some of its spiritual and reflective discussions may be better understood and appreciated by younger audiences with the guidance of parents and guardians,” sabi ng MTRCB.
Ang “Nimrods: A Green Day Comedy” naman ay isang coming-of-age road comedy na tampok sina Mason Thames, Mckenna Grace at Jenna Fischer.
Ito ay rated R-13 dahil sa “strong and coarse language, scenes of teenage drinking and drug use, and reckless acts” at mapapanood sa SM Cinemas.
Samantala, rated PG naman ang “KATSEYE: Wild Hearts,” isa pang SM Cinemas exclusive na tampok ang behind-the-scenes videos at interbyu sa mga miyembro ng KATSEYE, isang girl group na base sa Los Angeles.
Ang “CORTIS Tour <Put Your Phone Down> in LA” ay rated PG. Ito ay isang live viewing ng concert ng sikat na South Korean boy band.
Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.
Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.