Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MATAGUMPAY ang ginanap na 10th Best Magazine Anniversary event sa Grand Ballroom ng Camelot Hotel noong August 1. Ito ay pinangunahan ng BEST Magazine Publisher at tinaguriang Award Guru na si Richard Hinola.
Isa sa highlights nito ang 3rd Rosa Rosal Legacy Awards na ang pangunahing awardee ay ang masipag at napaka-generous na businesswoman na si Ms. Cecille Bravo.
Aminado si Mr. Hinola na malaking bagay ang tagumpay ng kanyang mga event sa tulong ng mga supporter ng kanyang mga charity projects.
Halos maiyak si Richard nang kilalanin si Ms. Cecille at sabihin ito, “I’ve been doing this for 10 years now, we’ve been roving around the whole Philippines from Luzon, Visayas and Mindanao to do some charity projects… nagpapasalamat ako sa lahat, especially to my supporter Mam Cecille Bravo na hanggang ngayon kahit hirap na hirap na ako na mangulit sa kanya, hindi talaga siya sumu-surrender sa akin, talagang mahal na mahal ako ni Mam Cecille Bravo.”
Ang anak ni Ms. Rosa Rosal na si Toni Rose Gayda ang nagkaloob ng mga plaque sa awardess. Dito’y kinilala rin niya ang ginintuang puso ni Ms. Cecille.
Wika ni Toni Rose, “Gusto ko lang pong ipaalam, I’ve known Cecille for the past three years at consistent po siya. Siya po ay nasa Hall of Fame na, she has been a recipient of The Gawad Rosa Rosal award. Isa po siyang entrepreneur na magaling, isa po siyang philanthropist at higit po sa lahat, isa po siyang taong napakalaki ng puso at talagang may ginintuang puso and I could very well attest to that.
“Cecile thanks so much, you know, If my mom were looking down right now, she would say, ‘Cecille, job well done and I love you.’ Thank you sis, this is for you.”
Dagdag na sabi naman ni Richard, “Actually po sa totoo lang, hindi ako nagdadrama, pero because of Mam Cecille, lahat ng activities ko nationawide, siya ang sumu-support sa akin… mga airfare ko, mga food, ganyan. So for ten years, siya po talaga ang sumusuporta sa akin.”
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ms. Cecille sa parangal at sinabing sana ay maging tulay ito para mas magsilbing inspirasyon sa iba.
Wika ng lady boss ng Intele Builders and Development Corporations, “I’m so thankful at ito ay lifetime achievement award na and as always, grateful na nabibigyan ng recognition. Kahit na mga maliliit na bagay ang nagagawa ko ay napapalaki, and hopefully ay nai-inspire ang iba.”
Bukod kay Ms. Cecille, ipinagkalooban din ng parangal sina JM Ibarra, Sheryl Cruz, Elizabeth Oropeza, Ate Gay, Kuya Lhar Santiago, Alma Concepcion, Gerald Santos, Doc Ramil Ramilo, Ivy Violan, Faith Cuneta, Liz Alndogan, Evangeline Pascual, Marc Logan, William Thio, Charina Carmen, Ar’iel, Blue Dreamers PH, Amazing Peanut, Xaxa Manalo, Champagne Morales, Roxanne Barcelo, Miles Poblete, Direk Vivian Blancaflor, Myrus, Camille Velasco, Ana Katrina Lara, Kent Martin Dy, Play, Marcene Bernice Bermundo, Charo Calalo, Yza and Ynna Uy, Kiko Antonio, Kikayz, Alexie Brooks, Mama Emma, kapatid sa panulat na sina Fernand de Guzmam, John Fontanilla, at iba pa.