Advertisers

Advertisers

PAGHINGI NG TAWAD NG PRINCIPAL, TABLADO KAY REP. CENDANA

0 3

Advertisers

Tablado ang paghingi ng tawad ng high school principal na nag-post ng batikos sa hitsura ng dalawang mambabatas at kasarian ng isang abogado.

Hindi umano tinanggap ni Akbayan Representative Percival Cendaña ang paghingi ng tawad ni Randy Emmanuel Villar Bulanon, principal ng Dimasalang National High School sa Masbate, kahit pa inalis na umano nito ang kanyang banat na dinaan sa isang social media post.

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) si Bulanon, kaugnay ng ‘derogatory’ at ‘discriminatory’ remarks umano nito laban kina Akbayan Representatives Chel Diokno at Cendaña at gayundin kay Atty. Jesus Falcis.

Sa nasabing post, binatikos umano nito ang pisikal na hitsura nina Cendaña -na isang stroke survivor- at Diokno, habang kinutya din umano ang kasarian naman ni Falcis.

Matatandaan na nitong Agosto 24, naglabas ng pormal na paumanhin si Bulanon sa pamamagitan ng Facebook page ng paaralan. Inamin din niya na dapat ay naging mas maingat at responsable siya bilang isang principal ng paaralan.

Ayon naman kay Cendaña, hindi niya tinatanggap ang apology ni Bulanon at dapat umanong magkaroon ng pananagutan at accountability ang nasabing principal. (JERRY S. TAN)