Advertisers
PATAY ang isang babaeng accountant ng umilalim ito sa pampasaherong jeep kagabi sa Ortigas Ave. Extension Cainta Rizal kagabi.
Sa imbestigasyon: parehong patungong Cainta mula Taytay — nang huminto ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima upang magbigay-daan sa tumatawid na tao sa lugar.
Nang bigla itong binangga mula sa likuran ng kasunod na sasakyan.
Sa lakas ng impak nahulog ang driver ng motorsiklo habang tumilapon ng mahigit 20 metro ang babaeng nasawi at kumalso sa ilalim ng jeep.
Dinala ito sa Cainta Hospital ngunit idineklarang patay bandang ika-7:48 ng gabi ni Dr. Jordan Garcia.
Nadakip at nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang driver ng dyip at nakatakdang kasuhan sa Rizal Provincial Prosecutor Office. (Edwin Moreno)