Advertisers
SINABI ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag, na 99 pecent ang naging resulta ng lie-detector test ng nagpakilalang dating pulis na nagdala umano ng mala-maletang datung kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa isang panayam nitong Setyembre 25, 2026, sinabi ni Matibag na ang dating pulis na si Rodulfo Gracioso, Jr. ay nakakuha ng 99% truthfulness sa polygraph test o lie-detector test.
“Ang masasabi ko nga based on the test that we ran, which is the polygraph test, 99% yung truthfulness ng kanyang mga statements,” ani Matibag.
Sinigurado rin aniya na mayroong basehan ang mga sinasabi ni Gracioso.
“Bukod doon sa checking na pag-interview lang, yung mga binabanggit niya, we also validated it by other means. Checking on our intel network, lahat na pwede namin tingnan kung yung mga binanggit niya ba ay nag-a-adapt,” sabi pa ng NBI Chief
Mananatili sa pangangalaga ng NBI si Gracioso habang sila’y nag-iimbestiga.
Naalis sa pagka-pulis si Gracioso noong nakaraang buwan dahil sa mga kaso ng pang-aabuso.
Lumapit siya kay Father Flavie para ibulgar ang kanyang nalalaman sa mga Duterte dahil gusto na aniya ituwid ang mali.
Kaagad namang pinasinungalingan ni VP Sara ang mga sinabi ni Gracioso. Wala raw siyang natanggap na pera mula sa nasabing dating parak. Hindi niya raw ito kilala.
Wala namang kriminal na basta umaamin sa nagawang kasalanan eh. Hehehe…
Pero may ipinakita si Gracioso ng ilang selfie picture nila ni VP Sara na masayang kumakain.
Sinabi pa ni Gracioso na madalas nga silang magkape noon nina dating Pangulo Rody Duterte at Sara.
Naghatid rin daw kasi siya ng malaking halaga ng pera kina Digong at maging sa utol ni Sara na si Congressman Pulong.
Sa ibinunyag na ito ni Gracioso, malamang na ipatawag siya ng Kongreso para sa imbestigasyon.
Ang maganda lang dito kay Gracioso ay wala siyang handler at abogado, unlike kina Orly Guteza at 18 ex-Marines na naunang lumutang na nag-deliver kuno ng male-maletang pera sa ilang kilalang indibidwal, na sa bandang huli ay nag-withdraw at nagsabing pinilit lang sila gumawa ng kuwento nina dating Congressman Mike Defensor, Senador Rodante Marcoleta at Atty. Levi Baligod.
Sina Defensor at Marcoleta ay nakakulong ngayon sa Plunder, habang si Baligod naman ay kaliwa’t kanang nagpiyansa matapos ulanin ng demanda ng mga taong ginawan nila ng isyu.
Balikan natin si Gracioso, kung may katotohanan man ang kanyang sinabi, lalong madidiin si VP Sara sa kinakaharap ng impeachmrent. Pero kung nagsisinungaling man siya, tiyak uulanin siya ng kaso ng mag-utol na Duterte.
Subaybayan!