Advertisers
Malaking hamon sa liderato ni Oriental Mindoro Provincial Director PCol Efraim Camara ang pamamayagpag ng ilegal na sugal sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.
Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng kaniyang pagkakatalaga bilang kapalit ni Col Edison Revita, hinikayat niya ang hanay ng kapulisan na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni PNP Chief, Jose Melencio Nartatez Jr at Interior Secretary Jonvic Remulla.
Subalit sa kabila ng ‘No Take Policy’ na iniutos ni Nartatez nabalitaan natin na patuloy pa rin na namamayagpag ang operasyon ng illegal gambling tulad ng illegal numbers game na jueteng, color games at drop ball baraha na ang front ay tradisyunal na mga Peryahan na pulos sugal na naglipana sa bayan ng Bulalacao, Mansalay, Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Pola, Roxas, Socorro, Victoria, Naujan, San Teodoro, Baco, Puerto Galera, at Calapan City.
Maliban pa rito, namamayagpag din ang bentahan ng droga sa loob ng mga peryahan.
Nakilala natin si Col Camara noong naging hepe ito ng Calapan City na tapat sa kaniyang tungkulin, hardworking, disciplinarian at may kamay na bakal.
Umaasa ako na ang husay na ipinakita mo Col Camara Sir sa serbisyo sa Oriental Mindoro Police Provincial Office ay hindi magbabago.
Sana maaksyunan ninyo ang mga salot na ilegal na pasugalan na matagal ng problema ng mamamayang mindoreño upang hindi kayo magamit ng mga tiwaling opisyal na siyang hamon sa inyong liderato sa kasalukuyan.
Subaybayan!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com