Advertisers

Advertisers

PBBM, muling nanawagan ng Code of Conduct sa West PH Sea

0 22

Advertisers

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang magkaroon ng Code of Conduct sa West Philippine Sea upang maiwasan ang mga insidente at posibleng paglala ng tensiyon sa rehiyon.

Sa kanyang talumpati sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore, sinabi ng Pangulo na kahit maliit na pagkakamali lamang ng mga mangingisda o sundalong naglalayag sa lugar ay maaaring mauwi sa mas seryosong sitwasyon.

Dahil dito, mahalaga aniyang magkaroon ng malinaw na mga panuntunang susundin ng mga bansang sangkot.



Ipinaliwanag ni Marcos na ang Code of Conduct ay inaasahang magiging kasunduan sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China.

Bagama’t hindi na nagbigay ng karagdagang detalye, sinabi ng Pangulo na may magandang progreso sa usapin.



Nagkakaisa rin aniya ang mga bansang miyembro ng ASEAN sa pangangailangang magpatibay ng bagong mga panuntunan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mga insidente sa rehiyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">