Advertisers
INAPRUBAHAN ni Pope Leo XIV ang pagkakahalal kay Cardinal Luis Antonio Tagle bilang bagong Dean ng College of Cardinals, isa sa mga pinakamataas at pinakamahalagang posisyon sa Simbahang Katolika.
Si Tagle, na kasalukuyang naglilingkod bilang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization’s Section for First Evangelization and New Particular Churches, ang siyang papalit sa pwesto upang pamunuan ang lupon ng mga kardinal sa buong mundo.
Pinalitan ng Pilipinong kardinal si Cardinal Giovanni Battista Re, na nanungkulan bilang Dean ng nasabing lupon mula pa noong Enero 2020.
Bilang bagong Dean ng College of Cardinals, hawak na ngayon ni Tagle ang tungkuling pangasiwaan ang mga opisyal na pagpupulong ng mga kardinal kapag may mahahalagang isyung kinakaharap ang Simbahan.
Kabilang din sa pangunahing tungkulin ng Dean ang pagtawag at pagpapatakbo ng Papal Conclave o ang proseso ng paghalal ng bagong Santo Papa sakaling mabakante ang posisyon sa Vatican.