Advertisers

Advertisers

Padilla, ipinasisilip ang NCAP; mabigat na multa kinuwestiyon!

0 28

Advertisers

NAIS ni Senador Robinhood Padilla na busisiin ng Senado ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) dahil sa mga reklamo ng motorista hinggil sa mataas na multa at umano’y kakulangan sa proteksyon sa kanilang mga karapatan.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 732, hiniling ni Padilla ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng NCAP, kabilang ang mga problemang nararanasan ng mga motorista sa kalsada.

Kabilang sa mga nais masuri ang



malabong lane markings, kulang na road signs, delayed violation notices, at pagpapataw ng multa

sa rehistradong may-ari ng sasakyan kahit hindi siya ang aktuwal na nagmamaneho.



Nais din matutukan ang proseso ng pag-apela sa mga violation at ang paglaganap ng mga pekeng text message tungkol sa NCAP na ginagamit sa panloloko.

Layunin din ng resolusyon na kailangang matiyak na ang polisiya ay naipatutupad nang patas at makatao, na may sapat na proteksyon sa karapatan ng mga motorista, habang pinananatili ang disiplina at kaligtasan sa kalsada. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">