Advertisers

Advertisers

VIVAOKE, BAGONG KARAOKE APP PARA SA MGA OPM SONGS

0 22

Advertisers

Ni Anne Venancio

Inilunsad ng Viva Communications, Inc. at Viva Music Group ang Vivaoke, isang karaoke application na nagtatampok ng mga awiting Original Pilipino Music (OPM), noong Setyembre 16.

Sa pamamagitan ng app, maaaring kumanta ang mga user gamit ang kanilang cellphone, mag-record ng performances, mag-save ng mga ito sa kanilang device at magbahagi ng mga recording sa social media.



Nagkakahalaga ng ?99 kada buwan ang subscription para sa unlimited access sa music library, habang ?949 naman ang taunang subscription na may matitipid na ?239.

Kabilang sa mga awiting available sa app ang “Bongga Ka ‘Day” ng Hotdog, “Bituing Walang Ningning” ni Sharon Cuneta, “Tala” ni Sarah Geronimo, “Hanap-Hanap” nina James Reid at Nadine Lustre, “Sa Bawat Sandali” ni Amiel Sol, “Miss Miss” ni Rob Deniel, “Tibok” ni Earl Agustin, “Multo” ng Cup of Joe at “Isa Lang” ni Arthur Nery.



Mayroon ding scoring system ang application upang masukat ng mga user ang kanilang performance sa pagkanta.

Maaaring i-download ang Vivaoke sa App Store at Google Play o bisitahin ang www.vivaoke.ph.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">