Advertisers
HUMARAP nitong Martes sa Sandiganbayan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan district engineer Henry Alcantara kaugnay ng pagdinig sa kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Si Alcantara ay kabilang sa mga dating opisyal ng DPWH na naging state witness sa imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa mga proyekto sa flood control.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P7.4 bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng pamahalaan, kasama ang dating Ako Bicol party-list representative na si Zaldy Co at iba pang akusado.
Patuloy na inilalahad ng prosekusyon ang mga ebidensiya nito sa Sandiganbayan upang patunayan ang mga alegasyon laban sa dating House Speaker.