Advertisers

Advertisers

Ombudsman bahala na sa confi funds case ni VP Sara – Palasyo

0 28

Advertisers

IPINAUUBAYA ng Malacañang sa Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagpapasya kung may sapat na ebidensiya upang sampahan ng kasong kriminal si Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, dapat dumaan sa wastong proseso ang mga alegasyon at managot ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas.

Kasunod ito ng pahayag ng prosecution na isusumite nila sa Ombudsman ang mga ebidensiyang nakalap sa impeachment trial na may kaugnayan sa naturang usapin.



Kabilang sa mga pinag-uusapan ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) noong kalihim pa ng ahensiya si Duterte.

Sinabi ni Castro na mahalagang masuri nang maigi ang mga alegasyon at matukoy kung sapat ang ebidensiya upang magsampa ng kaukulang kaso.



Samantala, iginiit ng Palasyo na nasa Ombudsman ang mandato na magsagawa ng independiyenteng imbestigasyon at magpasya batay sa ebidensiya at umiiral na batas. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">