Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Naging talk of the town ang pag-amin ni Sachzna Laparan na nagkaroon sila noon ng relasyon ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon sa isang show.
Naging ex niya raw ang aktor.
Kuwento pa ng aktres at content creator, nagsimula ang pagiging malapit nila ni McCoy noong nag-aaral pa lang sila ng kolehiyo dahil magkalapit lamang ang mga kolehiyong kanilang pinapasukan.
Sey pa niya, on and off daw ang kanilang relasyon.
Katunayan , tanging si McCoy daw ang ex niya na binalikan niya.
Dagdag pa niya, bagamat nagkahiwalay sila ni McCoy, muli silang nagkaroon ng komunikasyon matapos lumabas ang aktor sa Pinoy Big Brother house noong 2017.
Pagbabalik-tanaw pa niya, nanligaw daw muli si McCoy pero hindi nag-work out ang kanilang relasyon.
Hirit pa niya, matagal daw niyang tinago ang lihim para protektahan ang aktor.
Dahil sa pasabog ni Sachzna, hindi naiwasang usisahin siya ni DJ JhaiHo kung naabutan niya ang noo’y ka-loveteam at ex-girlfriend din ni McCoy na si Elisse Joson.
Tugon naman ni Sachzna, hindi raw siya sure kung pinagsabay sila ni McCoy although may katiyakan daw niyang masasabi na nag-uusap na sila noon ng aktor after his PBB stint.
Dahil sa pag-iispluk na ito, may mga kate-katera namang nag-react.
Hirit ng kibitzers, tatlo raw silang pinagsabay ni McCoy kasama na ang aktres na si Maris Racal.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa isyu.
“Ang tindi pala ni McCoy.Ang tinik sa bebot Pinagsabay niya sina Elisse at Sachzna.”
“Ang alam ko ni
time sila din ni Maris or nanligaw pa lang din sya before sya pumasok PBb…hashtags and Girltrends sa Showtime pa sila nun…sa Interview ni Maris, medyo worry daw sya baka makakita ng iba si Mcoy..eh yun nga si Elisse na friend nya din, pero parang ik na sa kanya yun naintindihan naman nya nung kaganapan nila sa loob ng bahay…FYI Maris is from Pbb din pero nung Edition ng Celebrities yung kay Mcoy at Elisse. artista na si Maris. nasa showtime’s GT na nga sya