Advertisers

Advertisers

Palakpak sa Sepak!

0 35

Advertisers

Bilib si Ka Berong sa kakaibang ginawa ni Karen Tanchanco Caballero, pinuno ng NSA ng sepak takraw.

Mangyari siya lang ang lider ng isang sport association sa bansa na nangako na magbibitiw ang mga miyembro ng national team nila kung hindi makapag-uwi ng medalya mula sa katatapos na Nagoya Asian Games.

Wala naman gumaya sa tinaguriang dragon lady ng Philippine sports.



” Ipinangako ko yon kasi matagal na kaming magkakasama at panahon na para manalo o magpaalam na,” kwento ni Karen sa programang OKS noong isang Lunes.

Hanga rin si katotong Lito Cinco sa tapang at sipag niya. Ginagamit daw sa tama.



Mabuti at naka-silver ang women’s team at naka-bronze ang men’s squad.

Susunod na challenge para kay Caballero nga-yong buwan ay ang U-19 na international tournament na tayo ang host.



Masasaksihan natin ng libre mga laban sa Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium.

Tara nood tayo! Tiyak mapupuno mga venue dahil visually appealing ang laro. Sana lang kasing attractive mga player at uniform nila tulad sa volleyball.

***

Sina Christopher de Leon, Jay Ilagan at Edgar Mortiz ng Bad Bananas ay mayroong basketball team noong dekada 80. Kasikatan ng grupo nilang ito dahil sa kanilang gag show sa telebisyon na Goin Bananas at mga serye ng pelikula. Orihinal din na barkada nila si Johnny Delgado na maagang pumanaw. Naglalaro sila sa mga celebrity event at benefit game

Ilan pang kakampi nila sa koponan ay ang mag-utol na Mark Gil at Michael de Mesa gayon din ang mga magkakapatid na sina Rollie, Manny Boy at Edgar Quizon. Teammate din nila sina Ruel Vetnal, Al Tantay, at Bembol Roco.

Kamakailan ay umikot sa social media ang lumang photo nila.

Ngayon ay mga 70 años na at 7 na lang ang buhay pa.

***

Ayon kay Tata Selo ay pang back-up na center lang ang game ni Walker Kessler ngayon sa Lakers.

Oo may 14.2 points, 8.2 rebounds at 2.4 blocks kada laro ang galing Utah Jazz pero 44% lang kanyang foul throw percentage.

Yung dalawang laban ng LAL ay mahigit 20 puntos naiiskor niya. Nguni’t pagkatapos noon ay bumaba na ito sa lagpas sampu na lang. Paano basa na ng mga katunggali ang lob passes sa kanya nina Luka at AR. Wala man lang kasi siyang pivot play sa shaded area.

Nagampanan naman niya ang pagiging rim protector kaso hindi ang scoring big man na parehong kailangan ng purple and gold.

Kapag hindi niya matutunan makabuslo sa perimeter ng jump shot at ma-improve shooting sa charity lane ay at best ay pamalit na sentro lang siya. Yan ang papel ni Jaxson Hayes dati sa 1/4 lang ng sahod niya.