Advertisers

Advertisers

Dr. Rahm Dagdag, proud Pinay, umarangkada sa Japan dahil sa PDRN Skincare Innovation!

0 10

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ISA na namang karangalan para sa Pilipinas! Usap-usapan sa beauty industry ang iniulat na pagkilala kay Dr. Mary Rose “Rahm” Dagdag bilang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa prestihiyosong 22nd Japan Bioformulation 2026.

Mula Pilipinas hanggang Japan, patuloy na ipinagmamalaki ang talento at husay ng Pinay sa mundo ng skincare innovation!



Actually, marami ngayong skincare business sa market at in-na-in ito talaga. Katunayan, pati mga sikat na aktres at celebrity ay may mga sariling skincare brand.

Anyway, si Dr. Rahm, na Founder at CEO ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation, ay patuloy na gumagawa ng pangalan sa larangan ng cosmetic science at skincare innovation.



Si Dr. Dagdag ay isang Filipina cosmetic chemist, skincare formulator, entrepreneur, at business mentor. Ang ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation ay nakatuon sa skincare formulation, cosmetics manufacturing, private-label rebranding, at entrepreneurship development.

Sa mahigit 12 taon ng kaniyang paglalakbay sa negosyo, naging bahagi ng kanyang misyon ang pagbuo ng makabagong skincare products at pagtulong sa mga Filipinong nangangarap magkaroon ng sariling beauty brand. Isa sa kanyang pinagtutuunan ng pansin ang PDRN skincare formulation, na gumagamit ng sangkap na pinag-aaralan para sa skin-conditioning at rejuvenation applications.



Hindi lamang sa negosyo nakatuon si Dr. Rahm, aktibo rin siyang nagsusulong ng entrepreneurship education sa pamamagitan ng ZY Entrep Academy at mga programang pangkomunidad ng ZY Shop Foundation. Para kay Dr. Rahm, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga parangal, kundi sa dami ng buhay na nabibigyan ng inspirasyon at oportunidad.

Hindi biro ang larangan ng cosmetic formulation, lalo na sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya at mga sangkap na ginagamit sa skincare products. Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Dr. Rahm ang Polydeoxyribonucleotide o PDRN, isang sangkap na pinag-aaralan sa larangan ng skin science at nagiging popular sa mga modernong skincare formulation.

Sa kanyang product development, pinagsasama ang PDRN at iba pang skincare ingredients gaya ng peptides, hyaluronic acid, niacinamide, at ceramides upang makabuo ng mga produktong nakatuon sa skin hydration, conditioning, at pagpapaganda ng hitsura ng balat.

Nang natanong siya, if may choice sinong celebrity endorser ang kukunin niya?

Tugon ni Dr. Rahm, “If given a chance, gusto kong maging endorser si Kathryn Bernardo. Because aside from being a big star talaga and a good actress, Kathryn fits the morena skin in my formulation.”

Para sa Inquiries: ZY Shop Worldwide Company 29th Floor, High Street South Corporate Plaza Tower 2 Bonifacio Global City, Taguig, Metro Manila, Philippines Website: www.zyshop.net Contact: 0905 880 9339,