Advertisers

Advertisers

Prangkisa ng Titan Ultra sa PBA binawi

0 29

Advertisers

INANUNSYO ng PBA Huwebes na tinanggal na nito ang pagiging miyembro ng Pureblends franchise kasunod ng pagpupulong na ginanap noong Nobyembre 19.

Sa isang update na inilathala sa website ng liga, sinabi ng PBA na kinansela nila ang pagiging miyembro ng Pureblends dahil sa malubhang pagsisinungaling, kakulangan sa kakayahang pinansyal, at hindi awtorisadong pagbabago sa pagmamay-ari at kontrol.

“Pureblends Corporation violated Section 9(g) of the PBA Constitution and By-Laws, which expressly prohibits any applicant or member from ‘willfully misrepresenting any material fact contained in its application for membership in the Association,’” wika ng liga tungkol sa gross misrepresentation.



Sabi rin ng PBA na malinaw na ipinakita ng ebidensiyang iniharap sa Board ang kawalan ng kakayahan ng Pureblends Corporation na tustusan ang pinansyal na pangangailangan sa pagpapatakbo ng isang basketball team—isang konklusyon na hindi pinabulaanan ng Pureblends Corporation.

Dagdag pa ng liga na ang Pureblends ay “gumawa ng mga pagbabago sa istruktura ng kanilang pagmamay-ari sa korporasyon na nagresulta sa hindi awtorisadong paglilipat ng kontrol sa kanilang PBA franchise at koponan.”



“This directly violates the PBA CBL provisions on Transfer of Ownership, which mandate that ‘no membership or any substantial interest therein may be sold, assigned, or otherwise transferred in whole or in part by the member without notice in writing to the Commissioner’ and the requisite Board approval,” dagdag pa ng liga.

Ayon sa liga, magkakaroon pa ng karagdagang anunsiyo mula sa Tanggapan ng Komisyoner.



Sa ika-50 na season ng PBA, nagtala ang Giant Risers ng 4-7 na rekord sa Philippine Cup, kasunod ng 2-10 na rekord sa parehong Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.

Nakuha ang prangkisa ng Pureblends mula sa dating prangkisa ng NorthPort.