Advertisers

Advertisers

UST stude, napigilan sa pagtalon sa ika-24 flr. ng gusali

0 214

Advertisers

Napigilan ang tangkang pagpapakamay ng isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) nang nailigtas ng mga awtoridad Biyernes ng hapon.

Sa impormasyon na ibinahagi ni MPD-PIO Major Philipp Ines, 2:00 ng hapon nang makuha sa rooftop ng ika-24 palapag ng Blessed Pier Giorgio Frassati Building sa España Blvd. cor. Extramadura St, Sampaloc, Manila.

Sa ulat, isang 22 anyos na BS ComSci student ng naturang universidad at residente sa Las Piñas City ngunit nanunuluyan sa nasabing gusali ang nagtangkang magpatiwakal.



Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtangkang tumalon ang binatilyo sa rooftop ng gusali sa ‘di pa mabatid na kadahilanan.

Katuwang ng pulisya ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsagip sa biktima na isinailalim sa medical attention.(Jocelyn Domenden)