Advertisers
IGINIIT ni Senate President Vicente Sotto III na ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa special session sa susunod na linggo, ay isang paraan lang ng paggigiit nito na kailangan nang tapusin ng House of Representatives ang budget impasse.
Ito umano ay dahil ang legislative calendar ay nagsasaad na ang Kongreso ay dapat nasa sesyon hanggang sa October 16.
Ayon kay Sotto, dahil sa hakbang ni Duterte, ang posibilidad na magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon ay malabo nang mangyari.
Samantala, pinuri naman ni Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara ang desisyon ng Pangulo na magpatawag ng special session, upang agad maaksyunan ang panukalang pondo sa lalong madaling panahon. (Mylene Alfonso)