Advertisers

Advertisers

Higit P1 rollback sa diesel at kerosene ngayon

0 157

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng rollback ang mga kompanya ng langis ngayong araw.

Una nang nag-anunsyo ang Seaoil, PetroGazz at CleanFuel ng kanilang ipatutupad na rollback.

Ang SeaOil ay magpapatupad ng rollback sa diesel na P1.85 kada litro habang sa gasolina at P1.20 kada litro.



Mas mataas naman ang kanilang rollback sa kerosene na P2.00.

Parehong adjustment ang ipatutupad ng PetroGazz at Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi kasali sa kanilang produkto.
Ang Seaoil at PetroGazz ay magpapatupad ng oil price adjustment dakong 6:00 ng umaga habang ang Cleanfuel ay magpapatupad ngayong 12:01 ng hatinggabi.