Advertisers
HINDI pa rin direktang makumpirma ni Department of Justice (DOJ)Secretary Crispin Remulla kung si Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves ang utak sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Pahayag ito ni Remulla kasunod ng pagsuko ng isa pang suspek sa pagpatay kay Degamo.
Ani Remulla, ang masasabi lang niya sa ngayon ay lumilinaw na kung may kinalaman si Teves sa krimen.
Tumanggi rin ang kalihim na isapubliko ang iba pang detalye sa posibleng partisipasyon ni Teves sa kaso.