Advertisers

Advertisers

Panghoholdap nakunan ng video ng vlogger, 3 holdaper arestado

0 585

Advertisers

ANG video na pinost sa social media ng isang concerned citizen ay nakatulong sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) para madakip ang tatlong holdaper sa Caloocan City nitong Linggo, April 2.

Kinilala ni Lt. Colonel Vicente Bumalay Jr, QCPD Pasong Putik Station (PS 16) commander, ang mga naarestong holdaper na sina Patrick Alwin Santos, 23 anyos; Blasel Ben Vacaro, 22; at Jhonric Baran, 24, mga residente ng Caloocan City.

Ayon sa QCPD, ang insidente ng panghoholdap ay nangyari bandang 8:00 ng gabi ng Sabado, April 1, habang ang mga biktimang sina Sara Mae Abendan at Rhooell Menor ay naglalakad sa kahabaan ng Neopolitan Belfast Avenue, malapit sa SM Fairview, sa Barangay Pasong Putik Proper, Novaliches, Quezon City.



Ang tatlong holdaper na sakay ng isang motorsiklo ay mabilis na nilapitan ang mga biktima at tinutukan ng kutsilyo, nagdeklara ng holdap at kinuha ang mga gamit ni Abendan.

Nagkataong nasa lugar ang isang vlogger at nakunan ng video ang mga holdaper habang papatakas sakay ng motorsiklo, pinost ito sa Facebook na kaagad nag-viral, kung kaya’t nakilala ang tatlo at natumbok ang pinagtataguan ng mga ito.



Naaresto ng mga operatiba ng QCPD PS 16 sina Vacaro, Santos at Baran na boluntaryong sumuko sa Camarin Police Sub-Station 10, Caloocan City Police Station 1:30 ng hapon nitong Linggo.

Nakumpiska sa mga ito ang ginamit na patalim at pulang Rusi motorcycle. Nahaharap sila sa kasong ‘robbery’.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">