Advertisers

Advertisers

56 Pinoy sa Sudan nagpapasaklolo sa gobyerno para sa kanilang repatriation – DFA

0 98

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mahigit 150 Pilipino ang humihiling ng tulong mula sa gobyerno para sa kanilang repatriation mula sa Sudan sa gitna ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary group.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na bagama’t nasa 300 Pilipino lamang ang nakarehistrong naninirahan sa Sudan, nakatanggap ang Embahada ng Pilipinas ng mensahe mula sa mahigit 500 katao.

Sinabi rin ng DFA official na posibleng aabot ng hanggang 700 Pilipino ang nasa Sudan na karamihn ay hindi dokumentado.



Ayon din kay De Vega sisimulan ang pagpapa-uwi ng mga Pilipino sa susunod na mga araw.

Nagrenta na rin aniya ang DFA ng mga sasakyan para mailipat ang mga Pilipino sa mas ligtas na lugar palabas ng Sudan.

Mayroong dalawang ruta aniya ang kanilang maaaring gamitin, isa dito ay ang pagbiyahe patungo sa pantalan ng Sudan kung saan mayroong mga barko na patungo ng Saudi Arabia o patungo sa border ng Egypt kung saan may isang grupo na magdadala sa mga Pilipino patungo ng Aswan at mula sa dito ay sasakay sila ng eroplano pabalik dito sa Pilipinas.