Advertisers

Advertisers

TSINA VS. TAIWAN

0 245

Advertisers

ANO ang gagawin ng Filipinas kung sakaling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Taiwan at Tsina? Ano ang ating paghahanda dahil malapit lang ang dalawang bansa sa atin? Mayroon bang paghahanda o nakamasid lang tayo?

Ito ang ilan sa maraming tanong tungkol sa umiinit na sitwasyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan. Alam ng Tsina na matindi ang paghahanda ng Taiwan sa paglusob na maaaring maganap sa anumang oras. Hindi nais ng Tsina na patagalin ang sitwasyon. Habang tumatagal, lumiliit ang tsansa ng Tsina na magtagumpay kung sakaling lumusob sila sa Taiwan.

Lalawigan ang tingin ng Tsina sa Taiwan. Batay ito sa kanilang kasaysayan, giit ng Tsina. Ngunit hindi sa katotohanan. Isang maunlad na bansa ang Taiwan. Isa sa mga pinakamaunlad hindi lang sa rehiyon kundi sa buong mundo. Nagtagumpay ang Taiwan sa sariling pagsisikap. Hindi ito matanggap ng Tsina at hindi nila tinatanggap na mas maunlad sa kanila ang Taiwan.



Kahit mayroon “one China policy,” kung saan ang Tsina ang kinikilalang bansa at hindi ang Taiwan, may 128 bansa ang nagtayo ng kanilang “economic at cultural office” sa Taiwan. Ito ang katumbas ng pasuguan, or embassy. Mayroon “people to people” relations ang Taiwan sa karamihan ng bansa sa buong mundo.

Nakatakdang lumipad sa Washington DC si Presidente Bongbong Marcos upang humarap kay U.S. Presidente Joe Biden sa ika-1 ng Mayo. Kasama sa kanilang tatalakayin ang security alliance ng dalawang bansa. Mayroon Mutual Defense Treaty ang dalawang bansa at bahagi sa kasunduan ang pagtulong ng isang bansa sa kabilang bansa kung may maganap na paglusob.



Dahil sa ambang paglusob ng Tsina sa Taiwan, pinag-usapan na ang mga gagawin ng dalawang kaalyadong bansa. Ito ang hindi maunawaan ng Tsina. Mistulang maton sa kanto ang asal ng Beijing sa rehiyon. Ang tingin sa mga karatig bansa ay mga kakaning itik bagaman ang Tsina ang walang karanasan sa digmaan. Tigas titi, taas ihi.

Maraming detalye ang mga paghahanda ng dalawang bansa sa ambang paglusob. Kasama dito ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang tratado ng dalawang bansa upang paigtingin ang alyansa sa seguridad. Mayroon mga idinagdag na limang base militar dito na paglalagakan ng mga kasangkapang pandigma ng Estados Unidos kung sumiklab ang digmaan.



Magkakampi ang Estados Unidos at Filipinas sa laban. Walang iwanan, ito ang tema sa alyansa. Kakampi ang Taiwan sakaling sumiklab ang giyera sa hinaharap. Kalaban ang Tsina, ang mapanuwag na bansa sa rehiyon. May takot ang Tsina na lusubin ang Taiwan sapagkat alam nila na sa sandaling sumiklab, kikilalanin ng buong international community ang Taiwan bilang isang bansang hiwalay sa Tsina.

Hindi lalawigan ng Tsina ang Taiwan, ito ang humihiyaw na katotohanan.
***
MALINAW na kasama ang papapalawig ng fishing right, o karapatan makapangisda, sa mga Intsik sa West Philippine Sea sa verbal agreement sa pagitan ni Rodrigo Duterte and Xi Jinping noong 2019. Nais ni Francis Tolentino (nakakapangilabot na tawagin senador ) na sang-ayunan ng Senado ang verbal agreement. Hindi pumayag ang Senado sapagkat walang maipakitang anumang kasunduan si Tolentino tungkol sa kasunduan.

Nakakapagtaka o nakakagalit lang dahil handang ibigay ni Duterte, kasama si Tolentino, ang fishing rights sa mga Intsik sa loob ng exclusive economic zone ng Filipinas. Dahil walang kasulatan si Tolentino, hindi siya pinansin ng mga kasamang mambabatas. Nagmukha siyang walang alam, sa maikli. Hindi umubra ang kanyang salita na magtiwala kay Duterte.

“Basta magtiwala kay Duterte” – ito ang kanyang panawagan sa Senado. “Now, the Chinese vessels would not leave our EEZ, as they take away our maritime entitlements under international law,” ayon sa isang dalubhasa. Hindi magaling sa international law si Francis Tolentino. Pipitsugin siya sa paksa.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Of the 24 senators, only Risa Hontiveros is standing up to China. Does this mean that her 23 other colleagues are Manchurian senators?” ~ Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen

“The history of the world is the record of weakness, frailty, and death of public opinion.” – Samuel Butler

“China is a rogue state. It’s the hegemon that steals our territories, reap our natural resources as if they are theirs, and claims the high seas (South China Sea) as theirs too. It violates without moral compunction laws on copyright and patent, dumps the global market with counterfeit goods, and steals industrial secrets. It conducts cyber-attacks of world cyberspace systems and eavesdrops on our conversations. Never trust China. Only Rodrigo Duterte, Bong Go, and the Davao Group believe in China and adore it. Don’t be a traitor like them.” – PL, netizen
***
MAY kuro kuro ang aming kaibigan na si Roly Eclevia tungkol sa imbetigasyon ng Senado sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at Arnolfo Teves. Pakibasa:

Not PNP or NBI
but justice system is to blame

In the Senate investigation into the murder of Gov. Roel Degamo, Sen. Bato dela Rosa observes that the PNP takes the brunt of the blame for the breakdown of law and order. He says critics attribute the problem to corruption in the ranks of the police, but the rot, according to him, goes much deeper.

The existential threat comes from the administration of justice.
During that Senate investigation, the NBI director of the region testified that Congressman Arnie Teves, foillowing the raid of eSabong operation in Negros Oriental, asked him to drop the case in exchange for a substantial amount.

When the NBI director refused, the powerful politico filed a case against him and his men for theft. Then the prosecution advised him to settle the case, of course for a huge amount. After that attempt failed, the judge quashed the information—threw out the case—supposedly for lapses of the law enforcement agency in the implementation of the search warrant, which by the way was issued by another judge.

Sen. Dela Rosa says that the rich and powerful, once they are arrested, talk to the police, the prosecutor, and the judge, each time with a bribe and the threat of violence, implied or expressed.

An honest police officer does not have a chance against a corrupt judicial system. That’s why he goes along with what has become the norm.

***

Email:bootsfra@yahoo.com