Advertisers

Advertisers

James, Lakers 3-1 na

0 116

Advertisers

PAGPASOK ni LeBron James sa Los Angeles locker room pagkatapos ng Game Four, binati siya ng kapwa Lakers dahil sa kanyang napakahusay na performance.

Naisalpak ni LeBron James ang kanyang panablang layup sa huling 0.8 segundo ng regulation bago umiskor ng apat na puntos sa overtime para sa 117-111 wagi ng Lakers kontra Memphis Grizzlies.

Tumapos si James na may 22 points at may career playoff-high na 20 rebounds maliban sa 7 assists at 2 blocked shots para sa 3-1 lead ng No. 7 Lakers sa kanilang Wes­tern Confe­rence first-round series ng No. 2 Memphis.



Ang 38-anyos na si James ang ikalawang pla­yer ng Lakers na nagtala ng 20 points at 20 rebounds sa isang playoff game matapos si Shaquille O’Neal noong 2004.

“He just took over down the stretch,” ani Anthony Davis kay James. “Got us a bucket to get to overtime. … All our guys, it was a good team effort. This team is not going to go away.”



Nag-ambag si Austin Reaves ng 23 points at may 12 markers si Davis para sa Lakers.

Kumana si Desmond Bane ng 36 points at isinalpak ang isang tiebreaking layup sa huling 6.7 segundo sa regulation para sa Grizzlies habang may 19 markers si Ja Morant.



Sa Miami, humataw si Jimmy Butler ng 56 points para duplikahin ang fourth-best scoring performance sa isang NBA playoff game at akayin ang Heat sa 119-114 pagtakas sa Milwaukee Bucks at kunin ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.

Ang nasabing 56 points ang bagong career high ni Butler at isang franchise playoff record ng No. 8 Miami na bumangon mula sa 14-point fourth-quarter deficit para balikan ang No. 1 Milwaukee.

Si Butler ang ikaapat na player na tumipa ng 56 points sa isang playoff game matapos sina Michael Jordan, Wilt Chamberlain at Charles Barkley.

Umiskor si Jordan ng 63 points noong 1986 habang may 61 markers si Elgin Baylor noong 1962 at may 57 output si Donovan Mitchell noong 2020.

Nag-ambag si Bam Adebayo ng 15 markers at may 12 at 10 points sina Caleb Martin at Gabe Vincent, ayon sa pagkakasunod, para sa Heat.