Advertisers

Advertisers

BOLAHAN

0 154

Advertisers

MATIKAS ang tindig ni BBM nang humarap siya kay Joe Biden sa isang pulong sa White House noong Lunes. Mas lalong tumikas ng tumayo siya sa isang seremonya sa White House Oval. Ito ang pinakahihintay ni BBM sa kasaysayan. Ang tumayo sa pangunahing entablado ng mundo. Sa kanyang pakiwari ito ang lilinis sa kanilang pangalan.

Bakit hindi? Hindi makakalimutan ng sinuman sa mga Marcos ang nangyari noong 1986 kung saan sinipa sila palabas ng Malakanyang sa isang mapayapang himagsikan at itinapon bilang mga destierro (exile) sa Estados Unidos. Busabos sila sa dilang busabos. Kaya nagbabaga ang pagnanais ni BBM na malinis ang kanilang pangalan.

Sa panig ng Estados Unidos, kailangan si BBM sa pagbibigay katuparan sa kanilang foreign policy. Batid ng Estados Unidos ang kabuuan ng kanilang patakarang panlabas (foreign policy) at ito ang kontrolin ang paglaki at paglago ng China dahil hindi ito nakakabuti sa pandaigdigang kapayapaan. Abusado ang Peking at kailangan kalusin ang kanilang pagmamalabis upang maalis ang isang bansa mapanuwag sa rehiyon.



Napabayaan ng Estados Unidos ang Silangang Asya at isa itong dahilan upang lumago ang China at naging isang haragang estado (rogue state) sa rehiyon. Wala itong respeto sa batas – copyright, patent, industrial peace, at iba pa, at ang tingin sa sarili ay maaaring bilhin ang mga lider ng ibang bansa.

Hindi natatapos ang pag-uusap at ligawan sa pagitan ng China at Estados Unidos sa Filipinas. Nagpapatuloy ang pagpapadala ng delegasyon ng China sa Filipinas bagaman hindi ito masyadong pinapansin ng DFA. Pinagbigyan dahil bahagi ito ng diplomacy pero hindi mahalaga upang hatakin ang Filipinas na ipinamamagaling na paninindigan ng Peking.



Sa state visit ni BBM sa Washington, malinaw na nahatak ng Estados Unidos sa kanilang foreign policy. Walang hawak na alas na baraha ang Peking upang ipilit ang kanilang agenda sa Silangan Asya. Simple ang paninindigan ng Filipinas sa isyu. Itigil na China ang pagkamkam sa halos kabuuan ng South China Sea.

Itigil ang panunuwag sa mga karatig bansa at kumapit sa itinatadhana ng desisyon ng UNCLOS na nagbabasura sa pag-aangkin ng China sa South China Sea at maging sa ilang bahagi ng West Philippine Sea. Hanggang hindi nauunawaan ng China iyan, talagang mawawala sa kanilang impluwensiya ang Filipinas.



***

MAY isinulat si Roly Eclevia tungkol sa mamamatay tao na si Rodrigo Duterte. Pakibasa: “The PNP and the death squad in their employ killed thousands, most of them small-time drug pushers, in the so-called war on drugs. It has now turned out that the PNP is the biggest distributor of illegal drugs in the country. Since those involved are generals occupying top positions at the PNP, the assumption is that these criminals in uniform were distributing drugs in Duterte’s time, perhaps with his full knowledge and encouragement. Or maybe the killer-president was the capo dei capi, the boss of all bosses.”

***

MAY lumabas na balita tungkol sa preventive suspension na ibinaba ng Office of the Ombudsman kontra kay NAIA general manager Cesar Chiong at assistant general manager Irene Montalbo. Bumaba ito noong ika-28 ng Abril, ngunit dahil nabaon ito sa mga inside pages ng mga pahayagan hindi ito nabigyan ng diin ng publiko. Kaugnay ito sa paglilipat ng assignment ng 285 empleyado sa NAIA. Dahil sa walang malinaw na batayan ng paglilipat, dumulog ang mga hindi kilalang mga empleyado sa OMB.

Ika-1 ng Mayo, ipinagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa bansa. Pumalpak ang electrical system ng NAIA at tumagal ng walong oras ang shutdown sa paliparan. Nagkaroon ng maraming cancellation ng flights dahil sa kawalan ng kuryente. Nais ibintang ng pamunuan ng NAIA ang kapalpakan sa Meralco. Hindi umubra ang laro nila dahil hindi kasalanan ng Meralco ang nagdudumilat nilang kapalpakan.

Huwag ipagtaka kung ang susunod na shutdown ay sa Hunyo, ang Araw ng Kalayaan? Magaling sila sa sabotahe at iyan ang nangyayari. Dapat lamang ayusin ni BBM ang NAIA dahil ito ang gateway ng maraming bansa Filipinas. Alisin ang mga tiwaling opisyal.

***

MGA PILING SALITA: “Warships of the U.S. France, Britain. Australia, Japan, European Union, and India are in the South China Sea. If China miscalculates, you’ll never know. The eastern part of China is very vulnerable. Its industries are there. They are within striking distance of those warships… China can’t afford to be arrogant… It should know how to be humble without necessarily surrendering its sense of honor… Those countries would not forgive China for being a rogue state… They would not allow China to become a global power and a threat to global peace… China has hardly a way to fight back… Its war experience is very limited to the 1951 Korean War and border clashes in Russia, Vietnam, and India. It has no war theories and doctrines to rely on. Kapag pinagtulungan ang China, luluhod iyan… In two weeks time, luluhod iyan. It can’t sustain a war of attrition.” – Annie G. Uy

“China is a rogue state in the sense it has no respect for Intellectual Property Rights. It violates property rights, copyright laws, and patents. It floods the global market with its counterfeit goods. It steals industrial secrets and conducts eavesdropping operations on its supposed allies. It launches attacks on the cyberspace networks of the U.S. and allies. It has hegemonistic design as indicated by its claim of ownership of almost the entire South China Sea. China stands for predatory ways, as it bullies its less strong neighbors like the Philippines. A stronger China is a threat to global peace.” – PL, netizen, kritiko

“Bakit uso ang letrato ng mga artistang babae at celebrity na naka two piece at buntis. Ano pinatutunayan? Hindi sila baog.” – PL, netizen

“By issuing reckless public statements, Rodrigo Duterte has cultivated a public image of an incontrovertible traitor, who would do everything to sell the Philippines to China. The madman has no qualms to curry attention from Xi Jin-ping, the autocrat from China. He has surrendered whatever self-respect is left for the Philippines as a country. By asking the Chinese maritime militia to stay in the West Philippine Sea, Duterte has virtually acknowledged the discredited and rejected Nine-Dash Line theory, the infamous theory that serves as basis of China’s claim of ownership of the entire South China Sea. The Permanent Arbitration Commission of the United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS) has rejected in 2016 the theory, saying it is fiction, by all means. Duterte is perceived as a traitor to his own country. While he is harsh to his countrymen, especially weak and powerless, Duterte is lovey-dovey with China. Duterte is widely perceived as quisling in many countries and he is not seen to recover immediately as he could not stop this unsavory reputation.” – PL, netizen