Advertisers

Advertisers

Metro Manila mayors malamig sa pagpapaikli ng curfew hours

0 337

Advertisers

TUTOL ang ilang Metro Manila Mayors sa panukalang pagbawas sa oras ng curfew matapos irekomenda ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing apat na oras na lamang ang curfew mula sa 12 a.m, hanggang 4 a.m. kaysa sa 10 p.m. – 5 a.m.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco na dapat panatilihin ang nasabing curfew dahil naging epektibo ang unang ipinapatupad na curfew.
Sa kasalukuyan kasi marami pa rin kaso ng COVID-19 kaya hindi pa napapanahon aniya na luwagan pa ang mga lugar.
Mga local government din anila ang mananagot sakaling tumaas muli ang kaso ng coronavirus dahil sa pagpapaluwag ng curfew.
Pahayag naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na bago pa lamang ang panukala ng gobyerno ay nauna na silang nagbawas ng oras ng curfew.
Ginawa nila itong mula 12 ng hatinggabi hanggang ala-singko na ng umaga.
Nararapat din aniya na tuluyang pababain muna ang mga nahahawaan ng coronavirus bago tuluyang luwagan ang curfew. (Josephine Patricio)