Advertisers

Advertisers

DE LIMA ABSUELTO SA ISA SA DALAWANG NALALABING MGA KASO SA DROGA!

0 120

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng korte ng Muntinlupa City si dating Senador Leila de Lima sa isa sa dalawang nalalabing drug charges pagkaraan ng anim na taon.

Nitong Biyernes, May 12, nilinis ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 204 si De Lima sa Criminal Case Number 17-165 – ang unang kasong isinampa laban sa dating mambabatas.

May isa pang kasong nalalabi laban kay De Lima. Ang isa pa sa tatlong kaso na isinampa laban sa kanya sa Muntinlupa RTC ay nabasura noong 2021.



Ang pag-atras ng pangunahing testigo at ni dating Bureau of Corrections acting chief Rafael Ragos sa kanyang alegasyon laban kay De Lima ang rason ng kanyang acquittal.

Gayunpaman, ang pagka-dismiss sa dalawang kaso ni De Lima sa magkahiwalay na korte, siya’y mananatili parin sa kulungan dahil ang Muntinlupa City RTC Branch 256 ay hindi parin nakakapaglabas ng resolution nito sa ‘petition for bail’ ng dating mambabatas.

Sa isang statement pagkatapos ng kanyang acquittal, sinabi ni De Lima: “I had no doubt from the very beginning that I will be acquitted in all the cases the Duterte regime has fabricated against me based on the merits and the strength of my innocence. That’s already two cases down, and one more to go. I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years.”

Sa charge kungsaan dinaluhan ni De Lima ang kanyang pinakahuling panalo, siya’y inakusahan ng paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagpaparusa sa “sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of illegal drugs.”

Sa pagitan ng November 2012 hanggang March 2013, sina De Lima at Ragos umano’y nangikil ng pera mula sa mga ‘persons deprived of liberty sa loob ng New Bilibid Prison, nakasaad sa charge sheet. Ang pera ay ginamit daw ni De Lima sa kanyang pagtakbong senador noong 2016 election.



Sa mga pagdinig, dalawang pangunahing testigo sa kanyang kaso – Kerwin Espinosa at Ragos – ay binawi ang kanilang alegasyon. Sinabi ni Espinosa na siya’y “coerced, pressured, intimidated, and seriously threatened” para gumawa ng nasabing alegasyon laban kay De Lima. Ibinunyag naman ni Ragos noong 2022 na siya’y pinilit lamang magsinungaling ni noo’y Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sabi ng korte sa decision nito, ang pagbawi ni Ragos ay gumawa ng “reasonable doubt” hinggil sa mga akusasyon laban kay De Lima.

“Under the circumstances of this case, the testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction. Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt. Hence, this Court is constrained to consider the subsequent retraction of witness Ragos,” sabi ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara sa kanyang ruling.
“Ultimately, the retraction created reasonable doubt which warrants the acquittal of both accused,” dagdag niya.

Ang mga kaso laban kay De Lima ay nagsimula sa ilalim ng pamamahala ni dating President Rodrigo Duterte. Dito siya simulang nakulong sa termino ng nakaraang pangulo ng bansa.

Nang si De Lima ay chairperson ng Commission on Human Rights (CHR), inimbestigahan niya ang mga patayan na umano’y gawa ng Davao Death Squad (DDS). Ang whistleblowers mula sa nasabing grupo ay nagsabing pumapatay sila sa utos ni Duterte.

Bilang mambabatas, pinamunuan ni De Lima ang pag-iimbestiga sa “drug war” ni Duterte, na pumatay umano ng higit 6,000 katao. Pero abot ito ng 30,000 kung pati ang vigilante-style killings ay kasama, ayon sa human rights groups.

Iniharap ni De Lima sa Senate probe ang umaming DDS member na si Edgar Matobato, ang kumumpirma na sumusunod sila sa mga utos ni Duterte.

Ibinunyag ni Matobato noong 2016 Senate hearing ay may plano silang tambangan si De Lima noong ito’y CHR chairman.