Advertisers
Patay ang isang drug personalities nang manlaban sa mga otoridad at nasamsam ang P10.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Ormoc City.
Kinilala ang napatay na si Allan Bulahan, 38, alias Tigbas ng Brgy. Linao, Ormoc City.
Sa report, 1:40 ng madaling nang magsagawa ng buy bust operation sa Brgy. Tambulid, Ormoc City nitong Lunes.
Nabatid na nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang nakatraksayon kaya agad ito nagbunot ng baril at pinaputukan ang operatiba. Gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinasawi noong din ng suspek,
Narekoner sa suspek ang 1.5 kilobrams ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 million at buy bust money.
Kabilang ang suspe sa high value target ng mga otoridad sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng droga sa lungsod.(Mark Obleada)