Advertisers

Advertisers

Batang Kankaloo, hinikayat pabakunahan kontra polio, tigdas at rubella

0 88

Advertisers

Hinikayat ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang mga magulang ng mga batang Kankaloo na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio, tigdas at rubella.

Ayon kay Malapitan na ang Chikiting Ligtas Supplemental Immunization Activity hatid ng Word Health Organization, Department of Health, UNICEF, at ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Isinagawa ang ang isang Supplemental Immunization Activity laban sa mga sakit na polio, rubella, at tigdas sa Caloocan Sports Complex, mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon nitong May 17.



Pinangunahan ni Mayor Malapitan katuwang ang Department of Health – NCR, Regional Director Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, World Health Organization, at UNICEF ang Chikiting Ligtas Supplemental Immunization Activity na naglalayong protektahan ang mga bata sa sakit na polio, tigdas, at rubella.

Ang Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella at Tigdas event hatid sa Metro Manila Center for Health Development, Healthy Pilipinas, UNICEF Philippines World Health, Organization Philippines, at Caloocan City.



Sinabi ni Along na siguraduhing kumpleto ang mga bakuna ng ating mga chikiting upang maiwasan ang pagpasa ng mga nakakahawang sakit gaya ng polio, rubella, at tigdas na maaaring magdulot ng outbreak.

“Sama-sama nating paigtingin ang Healthy Pilipinas kung saan ang bawat chikiting ay ligtas!,” wika pa ni Malapitan.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">